^

PSN Palaro

Cebu, MisOr giniba ang mga kalaban sa TOP

-

MANILA, Philippines - Pinag-init ng host ML Kwar­ta Padala Cebu at Misamis Oriental ang posibleng pagkikita nila sa leg finals nang magsipanalo sa pagbubukas ng 6th leg Tournament of the Philippi­nes nitong Martes sa New Cebu Coliseum.

Nilimitahan lamang ng Me­teors ang Mandaue Landmasters sa tatlong katiting na puntos sa second period tungo sa 93-81 panalo habang kinailangan na­man na kakitaan ng tibay ng dibdib ang host Ninos bago naiuwi ang 95-86 tagumpay sa Hobe Bihon-Taguig.

Kinalaro ng MisOr ang Ta­guig habang kalaban ng Cebu ang Mandaue kagabi at ang mga makukuhang panalo ay tuluyang magseselyo sa pagkikita nila sa leg finals sa Biyernes.

“One game at a time lamang kami. Mahirap ang labanan dito dahil malalakas ang kasaling team kaya dapat hindi nawawala ang concentration,” wika ni Meteors coach Jun Noel na kinuha ang 2-0 karta sa head to head nila ng Landmasters sa torneo.

Naunang nagdomina ang tropa ni coach Al Solis sa unang bahagi ng 1st period, 6-18, pero kumulapso ang kanilang opensa nang sumablay sila sa unang 18 buslo.

Sa pamamagitan nina Neil Raneses at Mark Andaya ay nakapaglubid ng 30 puntos ang Meteors para sa 42-23 kalamangan. Ang buslo sa tres ni Jan Villaver may 12 segundo sa orasan ang nagsalba sa sana’y pagkabokya ng Mandaue sa yugto.

May 23 puntos 9 rebounds, 3 steals at 3 assists si Raneses para pamunuan ang Meteors.

MisOr 93--Raneses 23, Saldua 19, Tagupa 15, Andaya 14, Taganas 8, Moreno 6, Misa 3, Lucernas 2, Daa 2, Lamocha 1.

Mandaue 81--Laygo 18, Gerilla 14, Alcaraz 12, Zanoria 11, Magpayo 7, Magdadaro 6, Bucao 5, Dennison 4, Villaver 3, Latonio 1.

Quarterscores - 15-23, 44-26, 67-50, 93-81.

MLKP Cebu 95 – Santos 18, Bas­co 15, Ababon 14, Dacia 14, Pa­dilla 13, Mapana 8, Ybanez 7, Magsumbol 4, Saladaga 2.

Hobe Bihon-Taguig86–Ga­tum­bato 12, Fernandez 11, Vizcarra 11, Sta. Cruz 9, De Castro 9, Dela Cue­sta 8, Marquez 8, Gui­yab 5, Cacha 5, Lumungsod 3, Reguera 3,.

Quarterscores – 34-18, 52-36, 72-61, 95-86.

AL SOLIS

CEBU

DE CASTRO

DELA CUE

HOBE BIHON

HOBE BIHON-TAGUIG

JAN VILLAVER

JUN NOEL

MANDAUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with