^

PSN Palaro

Taiwanese inilampaso ng RP-Smart Gilas sa Jones Cup

-

HSINCHUANG CITY - Binigyan ng Smart Gilas Team Pililpinas ng magandang panimula ang ginagawang kampanya sa 32nd William Jones Cup International Basketball Tournament sa Hsinchuang Gymnasium sa pamamagitan ng 83-52 pagdurog sa Taiwan University All Stars kahapon.

Naghatid ng 15 puntos at 14 rebounds ang na­turalization candidate Marcus Douthit habang sina Marcius Lassiter ay may 11 at si Japeth Aguilar ay nagdagdag ng 10 ka­sama ang limang dunks upang katampukan ang pagdodomina ng Pilipinas sa host team.

“We got a good game that should get our confidence up,” wika ng 6’10” na si Douhit na mayroon ding tatlong blocks, isang assist at isang steal sa 26 minutong paglalaro.

Masasabing hindi napa­hirapan ang pambansang koponan dahil lumayo agad sila sa 20-8 matapos ang unang yugto.

Isa rin sa naging sandata ng koponan ay ang kanilang walang humpay na depensa na kinakitaan ng paghirit ng 19 na steals upang mapagningas ang kanilang transition game.

Smart Gilas 83 - Douthit 15, Lassiter 11, Aguilar 10, Ababou 8, Jazul 7, Baracael 7, Lutz 7, Slaughter 6, Casio 4, Tiu 4, Barroca 2, Ballesteros 2.

TU All Stars 52 - Chou 14, Sung 9, Shih 8, Liu C. 7, Peng 5, Huang 4, Chen 2, Liu YK 2, Wang 1, Lin 0.

 Quarterscores: 20-8, 40-23, 62-38, 83-52

ALL STARS

HSINCHUANG GYMNASIUM

JAPETH AGUILAR

LIU C

MARCIUS LASSITER

MARCUS DOUTHIT

SMART GILAS

SMART GILAS TEAM PILILPINAS

TAIWAN UNIVERSITY ALL STARS

WILLIAM JONES CUP INTERNATIONAL BASKETBALL TOURNAMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with