^

PSN Palaro

Panalong FEU sa Ateneo' di nangangahulugang madodomina ng Tamaraws ang UAAP - Capacio

- Ni AngelineTan -

MANILA, Philippines - Ayaw tratuhin ni FEU coach Glen Capacio ang kinuhang panalo sa Ateneo bilang kanilang statement game sa 73rd UAAP men’s basketball.

Aniya, wala pang epekto ito sa hangaring ma­kapagdomina ng Tamaraws sa liga dahil may 13 pang laro silang dadaanan kasama ang second round meeting uli nila ng Eagles.

“Hindi ko alam, mahirap sabihin,” wika ni Ca­pacio na ang koponan ay kumawala sa 72-69 panalo nitong Linggo.

 “Iba ang Ateneo. Alam ko sa susunod na mag­kalaban kami, magpe-prepare ‘yan kaya naman di kami satisfied sa game na ito. May 13 games pa kami at dapat doblehin pa namin ang ipinakita namin sa larong ito,” dagdag pa ni Capacio.

May 19 titulo na ang FEU sa UAAP pero hu­ling taon na nagkampeon ang Morayta-based university ay noon pang 2005-06 season.

“Goal talaga namin ay magkampeon sa taong ito. Maganda naman ang line-up namin at ang kailangan lamang ay makuha ang mga adjustments namin lalo na sina JR Cawaling at Aldrech Ramos na nawala sa team ng halos pitong buwan dahil sa Gilas team,” ani pa ni Capacio.

Bukod kina Cawaling at Ramos, ipinagkakatiwala rin ni Capacio ang koponan sa kamador na si sophomore Ryan Roose Garcia na tinapatan ang kanyang season high 25 puntos sa laro nitong Linggo.

“Alam ko na kaya ni RR na dalhin ang team. Alam niya na ang load ng team ay nasa kanya dahil wala na si Mark (Barroca). Happy naman ako dahil suportado siya ng buong team,” dagdag pa ni Capacio. ()

ALAM

ALDRECH RAMOS

ANIYA

ATENEO

AYAW

CAPACIO

CAWALING

GLEN CAPACIO

LINGGO

RYAN ROOSE GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with