^

PSN Palaro

Depensa ni Julaton sa Pinas, niluluto na

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na mapanood ng live si Ana Julaton ng kanyang mga tagahanga sa bansa.

Inihayag ng kanyang manager na si Angelo Re­yes na may inisyal ng usapan patungkol sa masid­hing hangarin ni Julaton na lumaban sa harap ng kan­yang mga kababayan sa bandang Setyembre.

“We have made some initial talks. Ana likes to be active and she wants to defend her title in September here in the Philippines. We’re really trying to make that happen,” pahayag ni Reyes nang nakausap ang mga mamamahayag.

Si Reyes ay nakasama ni Julaton na dumating ng bansa kahapon ng umaga at magtatagal sa loob ng li­mang araw. Iniharap sila sa mga mamamahayag ng GMA Network na siyang masugid na tumatangkilik sa career ni Julaton.

“I like to fight in the Phi­l­ip­pines and be the first fe­male boxer to fight for a world title here,” pahayag na­man ng 30-anyos na si Julaton na binigyan din ng chocolate cake ni GMA Network President, Chairman at CEO Atty. Felipe Gozon bilang paggunita sa kanyang 30th kaarawan noong Hulyo 5.

Binanggit ni Julaton na nasa unang pagkakataon na bumisita sa bansa, ang pangarap na makalaban uli si Lisa Brown dito sa bansa pero bukas siya sa posibi­lidad na iba ang makaha­rap basta ang sunod niyang laban ay mangyari sa harap ng kanyang mga kababayan.

Natalo si Julaton kay Brown nang magkaharap noong Marso 27 upang ma­bigo sa tangkang pagsungkit sa WBC super ban­tamweight title.

Pero nakabawi na siya sa kabiguang iyon nang hiritan naman ng split decision panalo si Maria Elena Villalobos noong Hunyo 30 para makuha ang bakanteng WBO title at isama sa hawak niyang IBA title.

Rematch laban kay Villalobos o di kaya ay title fight laban sa WBC champion Marcela Eliana Acuna ng Argentina.

Pinasalamatan ni Julaton ang lahat ng mga taong patuloy na nanalig sa kanya at idinagdag na masaya siya hindi dahil nagkakampeon siya kundi dahil nabibigyan niya ng pagkakataong ka­tawanin ang mga Filipina ka­pag siya’y lumalaban at nana­nalo sa ibang bansa.

ANA JULATON

ANGELO RE

FELIPE GOZON

JULATON

LISA BROWN

MARCELA ELIANA ACUNA

MARIA ELENA VILLALOBOS

NETWORK PRESIDENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with