MANILA, Philippines - Hijndi hinayaan ng Hobe Bihon Taguig City na masayang ang magandang inilalaro sa 5th leg ng Tournament of the Philippines matapos nilang kalusin ang Ascof Lagundi, 91-88, sa finals kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Manila .
Ang dating UST hotshot na si Jemal Vizcarra ang siyang kumamada nang husto para sa tropa ni coach Bing Victoria para isantabi ang pagsisigasig ng Cough Busters na makuha ang titulo sa ikatlong pagkakataon.
Ibinuhos ni Vizcarra ang 10 sa kabuuang 16 puntos sa huling yugto at ang kanyang tres sa huling 12 segundo ang nagbigay sa koponan ng 90-86 kalamangan.
Idinikit ni Edwin Asoro ang Ascof sa kanyang follow-up at matapos ang split ni Nino Marquez para sa 91-88 bentahe, ay nagkaroon pa ng pagkakataon ang tropa ni coach Carlo Tan na maitabla ang laro dahil may 6 na segundo pa sa orasan.
Pero hindi hinayaan ni Vizcarra na masayang ang paghihirap matapos depensahan ang umaatakeng si Sean Co na tuluyang nabitiwan ang bola.
May 19 puntos, 15 rebounds, 2 steals at 2 blocks si Harold Sta. Cruz sa labanan at dahil sa kanilang impresibong ginawa sa kabuuan ng torneo ay hinirang din siya bilang MVP ng leg.
Kinuha naman ng MP Pacman Gensan ang ikatlong puwesto nang maipasok ni John Gonzaga ang wala sa pormang jumper kasabay ng final buzzer para sa 70-69 tagumpay.
MP Pacman Gensan 70 – Raymundo 12, Mendoza 10, Pacquiao 8, Medalla 7, Nicdao 6, Gonzaga 5, Callo 5, Parreno 5, Coronado 5, Daja 4, Locsin 2, Sagad 1.
Cobra 69 – Llagas 12, Acuna 12, Barua 10, Canizares 10, Espiritu 7, Linggana 7, Bagatsig 6, Tecson 3, Nabong 2.
Quarters: 28-12; 43-37; 56-57; 70-69.
Taguig 91 – Sta. Cruz 19, Dela Cuesta 17, De Castro 17, Vizcarra 16, Marquez 9, Gatumbato 8, Guiyab 4, Cacha 1, Fernandez 0, Lumungsod 0, Tajonera 0.
Ascof Lagundi 88 – Co 20, Aguilar 20, Asoro13, Gamalinda 12, Labagala 7, Uyloan 6, Taylor 5, Anthony 5, Leynes 0.
Quarterscores: 18-14; 40-47; 64-65; 91-88.