^

PSN Palaro

Magandang debut sa Green Archers, Tigers

-

 MANILA, Philippines - Humugot ng magandang paglalaro ang UST at La Salle sa mga ginamit na manlalaro upang makita ang sarili na magkasalo sa liderato sa pagtatapos ng unang araw ng aksyon sa 73rd UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum.

Ang inakalang mahigpitang tagisan sa panig ng dalawang semifinals noong nakaraang taon na UST at UE ay hindi nangyari nang kumawala ang una sa hu­ling yugto tungo sa 80-67 panalo.

 May 15 puntos si Jeric Teng habang ang bagitong si Eduardo Daquiog ay ibinagsak ang lahat ng 10 puntos sa second half upang kakitaan ng magandang pagtutulungan ang mga bagito at beterano ng Tigers para sa 1-0 karta.

Pitong puntos nga ang ginawa ni Teng sa huling yugto at sila ni Daquiog at Chris Camus ang nagtulong sa 8-0 bomba upang ang 60-57 kalamangan ay lumobo sa 68-57, papasok sa huling 3:54 ng orasan.

 “Hindi kami sumali sa mga tournament dahil nangamba ako na baka bumaba pa ang kanilang morale at sa halip ay pinahirapan ko sila sa pagtuturo sa sistema at mental game. Simple lamang ang sistema namin, kapag libre, shoot pero kailangang isang team sila kung maglalaro,” wika ni UST coach Alfredo Jarencio.

Kinailangan niya munang magalit sa halftime dahil nagkanya-kanya ang mga alipores nito dahilan upang makauna pa ang UE, 29-31.

Pero ibayong sigla ang ipinakita ng Tigers sa sumunod na quarter at ang tubong Ilocos na si Daquiog ay nagtala ng pitong puntos upang makuha ng UST and 57-55 bentahe sa ikatlong yugto.

Matibay din ang inilapat na depensa ng Tigers dahil ang mga kamador ng Warriors na sina Paul Lee, James Martinez, Raffy Reyes at Paul Zamar ay hindi nakadoble-pigura sa labanan.

Si Lee na tinulungan ang koponan na makapa­sok sa Final Four at tumapos sa pangalawang puwesto noong 72nd season ay nagtala lamang ng pitong puntos sa 2-of- 10 shooting kasama ang 0-of-4 sa 3-point line.

Una namang nakapanggulat ay ang Green Archers na dinurog ang mas beteranong UP, 80-62, sa unang sagupaan.

Si Simon Atkins ay mayroong 20 puntos kasama ang 4 of 9 shooting sa tres habang si Alvin Villanueva ay naghatid ng 13 puntos, 13 rebounds at 2 blocks upang hindi papormahin ang Maroons na ang key players ay naglaro sa PBL pre-season at nagkam­peon pa.

Pinalitan ni Dindo ang nakatatandang kapatid na si Franz sa taong ito pero ang target muna nito ay makarating sa Final Four lalo nga’t mga bagito at sophomores ang bumubuo sa kanyang koponan sa ngayon.

 Sa ikatlong yugto nag-init ang La Salle upang ang 34-31 halftime lead ay maging 56-47 papasok sa huling yugto. (ATAN)

 DLSU 80--Atkins 20, Villanueva 13, Marata 10, Webb 9, Andrada 7, Dela Paz 6, Ferdinand 4, Mendoza 4, Vosotros 4, Tolentino 3.

UP 62--Co 17, Silungan 17, Sison 8, Reyes Ma. 6, Manuel 5, Lopez 2, Maniego 2, Padilla 2, Saret 2, Reyes Mi. 1.

Quarterscores: 19-13; 34-31; 56-47; 80-62.

 UST 80-- Teng 15, Bautista 14, Daquiog 10, Camus 10, Afuang 10, Mariano 7, Pe 4, Fortuna 4, Aytona 4, Tinte 2.

UE 67 --Acibar 17, Enguio 10, Zamar 9, Reyes 8, Martinez 7, Lee 7, Santos 5, Ayala 4.

 Quarterscores 17-12, 29-31, 57-55, 80-67.

ALFREDO JARENCIO

ALVIN VILLANUEVA

ARANETA COLISEUM

CHRIS CAMUS

DAQUIOG

DELA PAZ

EDUARDO DAQUIOG

FINAL FOUR

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with