^

PSN Palaro

Mga bagong mukha at pagsubok, magpapaningning sa Shakey's V-League

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Ang pagpasok ng mga ba­gong manlalaro ang isa lang sa maraming dahilan kung bakit mas magiging kapana-panabik ang paparating na second conference ng Shakey’s V-League Season 7 na magbubukas ng telon sa Linggo sa The Arena sa San Juan.

Kung ang nakalipas na re­cord at ang kasalukuyang li­ne-up ang pagbabasehan, iti­nuturing na paborito para sa kampeyonato ang San Sebastian, Ateneo, Lyceum at FEU. Ngu­nit hindi naman maitatanggi na nais din ng St. Benilde, ka­sama ang mga baguhang Perpetual Help at NU na nais nilang manggulat sa parating na conference.

Sa mga nakaraang season ng premyadong volleyball sa bansa, nakahakot na ito ng mga supporters, lalung-lalo na sa Final Four stage patungo sa championship series.

Ang pagliban ng defending champs UST Tigresses ay nag­bigay daan para makalahok ang NU at Perpetual.

Sa mga nagdaang tatlong conference, bagaman dinomina ng mga taga-España belles ang ligang iniisponsoran ng Sha­key’s Pizza, tinahak ng mga ito ang mahirap na daan upang mapanatiling buhay ang kanilang winning streak kabilang na ang come-from-behind na tagumpay nila laban sa San Se­bastian nitong nagdaang con­ference.

At dahil na rin sa patuloy na tagumpay ng nangungunang women’s volleyball league sa bansa, sinabi ni Barbie Ocampo, marketing manager ng Shakey’s na patuloy nilang susuportahan ang volleyball sa bansa.

“The company is totally committed to the sport,” saad ni Ocam­po, na nagnanais ding magtatag ng kagayang pa-liga para sa mga lalaki. “Given the right time, we will venture into other types of volleyball, like beach volleyball or men’s volleyball.”

BARBIE OCAMPO

FINAL FOUR

PERPETUAL HELP

SAN JUAN

SAN SE

SAN SEBASTIAN

SHAKEY

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with