Ascof kontra Taguig sa 5th TOP finals
MANILA, Philippines - Sinandalan ng Ascof Lagundi ang pagkabeterano ni Rob Labagala upang maitakas ang 94-90 overtime panalo sa kinapos na MP Pacman Gensan at marating ang finals sa 5th leg ng Tournament of the Philippines (TOP) kahapon sa Emilio Aguinaldo College gym sa Manila.
Si Labagala na naghatid lamang ng pinagsamang 10 puntos sa unang dalawang laro ay kumana ng 15 puntos, at siyang umako sa assist na nagpatabla sa laro, bumasag sa huling deadlock sa 87-all at nagtiyak ng panalo sa isang steal laban kay Louie Medalla.
“He showed he is a veteran play by giving us big lift on both ends of the floor,” pagpupuri ni coach Carlo Tan.
May idinagdag na walong rebounds, five assists at apat na steals ang dating manlalaro ng UE habang si Bam Gamalinda, na siyang nagpasok ng tying basket sa regulation sa magandang pasa ni Labagala, ang bumandera sa nanalong koponan sa naitalang 23 puntos.
Kalaban sa finals ng Ascof ang Taguig na nabigo sa hangaring walisin ang elimination round nang sorpresahin ng Cobra Energy Drink, 74-83.
Unang panalo ito ng Ironmen matapos ang anim na sunod na kabiguan at dadalhin nila ang momentum sa pakikipagtuos sa Warriors para sa ikatlong puwesto ngayong hapon.
COBRA 83 - Barua 29, Llagas 17, Espiritu 12, Nabong 10, Lingganay 9, Tecson 4, Canizares 2, Acuna 0, Afable 0, Bagatsing 0.
TAGUIG 74 - Sta Cruz 18, Gatumbato 15, Vizcarra 10, dela Cuesta 9, de Castro 6, Guiyab 5, Tajonera 5, Marquez 4, Cacha 2, Delgado 0, Fernandez 0.
Quarterscores: 12-14; 32-26; 54-51; 83-74.
ASCOF LAGUNDI 94 - Gamalinda 23, Aguilar 15, Labagala 15, Co 11, Canlas 9, Uyloan 8, Asoro 6, Mangahas 4, Taylor 3, Leynes 0.
MP GENSAN 90 - Parreno 28, Gonzaga 11, Medalla 9, Raymundo 9, Sagad 8, Daja 7, Yambao 7, Nicdao 7, Coronado 4, Farochilen 0.
Quarterscores: 20-23; 39-40; 56-57; 79-79 (Reg); 94-90 (OT).
- Latest
- Trending