Heavy Bombers pinasabog ang Generals; Knights may panalo na rin
MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na arangkada ang mga Heavy Bombers, habang natikman ng Knights ang kanilang unang panalo matapos ang 0-2 panimula.
Nalagpasan ng Jose Rizal University ang pinasabog na 25 puntos ni Vergel Zulueta sa kabuuan ng fourth quarter para kunin ang 66-62 panalo sa Arellano University sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Sa inisyal na laro, tinalo ng Letran College ang University of Perpetual Help-Dalta System, 87-69, tampok ang 21 puntos ni dating Altas guard Franz Dysam.
Magkasalo sa liderato ang nagdedepensang San Sebastian at San Beda mula sa magkatulad nilang 3-0 rekord kasunod ang Heavy Bombers (2-1), St. Benilde Blazers (1-0), Mapua Cardinals (1-1), Arellano Chiefs (1-1), Knights (1-2), Altas (0-3) at Emilio Aguinaldo College Generals (0-3).
Mula sa 29-27 lamang sa first period, pinalobo ng Jose Rizal ni Vergel Meneses ang kanilang bentahe sa 37-27 sa 7:49 ng second quarter mula sa basket ni 6-foot-8 Cameroonian Joe Etame.
Ipinoste ng Mandaluyong-based cagers ang isang 15-point lead, 48-33, sa 1:13 ng third canto hanggang mailapit ni Zulueta, dating San Sebastian Staglet, ang Arellano ni Leo Isaac sa 60-64 sa huling 28.9 segundo.
“Kailangan hindi kami maging complacent kapag lumamang kami ng malaki,” sabi ni Meneses sa kanyang Heavy Bombers, humugot ng dalawang split kina Gilbert Bulangis at Marvin Hayes sa natitirang 12.1 at 4.0 segundo para sa kanilang panalo.
Letran 87- Dysam 21, Cortes 16, Ke. Alas 14, Belorio 11, Belencion 11, Kr. Alas 8, Taplah 3, Pantin 3, Rodil 0, Almazan 0.
Perpetual Help 69- Vidal 17, Danganan 15, Allen 15, Alano 14, Ynion 4, Sumera 2, Arboleda 2, Kintanar 0, Asuncion 0, Elopre 0.
Quarterscores: 16-18; 42-43; 64-53; 87-69.
Jose Rizal 66- Kabigting 19, Etame 12, J. Lopez 8, Almario 7, Apinan 6, Hayes 5, Bulangis 3, M. Lopez 2, Njei 2, Matute 2.
Arellano U 62- Zulueta 30, Celada 9, Lapuz 6, Casino 5, Ciriacruz 4, del Rosario 2, Caperal 2, Tayongtong 2, Anquilo 2,.
Quarterscores: 66-62; 14-10; 29-27; 50-35; 66-62.
- Latest
- Trending