^

PSN Palaro

Umaatikabong aksyon sasambulat ngayon sa UAAP

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pipiliting ipakita ng UE na may lakas pa rin ang koponan kahit nawala ang mga key players sa pag­b­ubukas ng 73rd UAAP men’s basketball ngayon sa Araneta Coliseum.

Katipan ang Warriors ng UST sa tampok na laro dakong alas-4 at magha­hangad din ng tropa ni coach Lawrence Chongson na mabigyan ng maganda ang panimulang kampanya sa hangaring makabalik uli sa finals ng torneo.

Ang bagong bihis na La Salle ay makikipag-unahan din sa unang panalo laban sa mas may karanasang UP sa unang sultada na mag­sisimula matapos ang makulay na opening cere­mony ganap na ala-1 ng hapon.

Ang dating UE coach na si Dindo Pumaren ang hinugot ng La Salle upang makahalinhinan ang naka­tatandang kapatid na si Franz at malaking hamon sa husay ng batang Pumaren ang nakaatang sa kanyang balikat.

Isang multi-titled team sa UAAP, ang Archers ay nasa rebounding program at aminado si Pumaren na mahihirapan sila at karanasan ang unang hangarin niya sa taong ito.

 Mula sa di magandang 72nd season ay maganda naman ang pananaw ni coach Abboy Castro sa kan­yang koponan dahil ang kanyang pambatong manlalaro sa pangunguna nina Woody Co at Martin Reyes ay nagkaroon ng winning attitude nang magkampeon ang kanilang koponan sa PBL.

Magbabalik ang kamador ng UE na sina Paul Lee at James Martinez pero wala na ang puwersa niya sa ilalim na sina Elmer Espiritu at Parri Llagas bukod pa kina Val Acuna at guard Rudy Lingganay.

ABBOY CASTRO

ARANETA COLISEUM

DINDO PUMAREN

ELMER ESPIRITU

JAMES MARTINEZ

LA SALLE

LAWRENCE CHONGSON

MARTIN REYES

PARRI LLAGAS

PAUL LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with