JRU asam ang 2nd win
MANILA, Philippines - Matapos matikman ang kanilang unang panalo, hangad naman ng mga Heavy Bombers ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay.
Haharapin ng Jose Rizal University ang Arellano University ngayong alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Letran College at University of Perpetual Help-Dalta System sa alas-2 sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Mula sa kanilang opening day loss, bumawi ang Heavy Bombers nang igupo ang Knights, 67-62, noong Lunes na tinampukan nina Cameroonian Joe Etame at rookie Mark Lopez.
Kasalukuyang magkasalo sa liderato ang nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos at San Beda College mula sa magkatulad nilang 3-0 rekord kasunod ang College of St. Benilde (1-0), Jose Rizal (1-1), Arellano (1-1), Mapua (1-1), Letran (0-2), Perpetual (0-2) at Emilio Aguinaldo College (0-3).
“It’s nice feeling winning my first game as a coach, I hope we could sustain the momentum form this game and translate it to another win,” ani JRU coach Vergel Meneses.
- Latest
- Trending