^

PSN Palaro

Gomez kumpiyansa na makakabalik si Viloria

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hindi balakid para kay trai­ner Ruben Gomez ang pagi­ging pamalit na trainer ni Robert Garcia para hindi maipanalo ang nagbabalik sa ring na si Brian Viloria.

Nag-uumapaw ang kum­piyansa ni Gomez na hindi lamang siya mana-nalo laban kay Mexican Omar Soto sa laban nila sa Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kundi na­kikita pa niya na makakabalik ang 29-anyos na si Viloria bilang isang world champion sa mas mataas na flyweight division.

“Brian is a world champion caliber being a two-time champion and he is ready anytime to fight for another world title,” wika ni Gomez nang dumalo sa press conference ng Bo­xing at the Bay IV sa Crown Plaza Galleria sa Ortigas, Pasig City.

Si Gomez ang kinuhang ka­palit ng team Viloria, da­ting kampeon ng WBC at IBF light flyweight divisions, matapos umalis ang da­ting trainer na si Garcia ilang linggo matapos magsimula ng pagsasanay ang boksingerong tinaguriang “Hawaiian Punch.”

Si Garcia ay kasama ngayon ni Nonito Donaire Jr. na lalaban sa Puerto Rico kontra kay Hernan Marquez sa Hulyo 10.

Nagbitiw ng pahayag si Garcia na hindi pa dapat sumabak sa laban si Viloria dahil may iniindang sakit ito bagay na pinabulaanan ni Gomez.

Inamin niyang lumiban si Viloria sa dalawang trai­ning sessions pero wala na itong iniinda sa katawan at nasa magandang kondis­yon. Ibinida pa nga ni Go­mez na dalawang pounds na lamang ang lampas ni Viloria sa 112lbs weight limit sa non-title fight nila ni Soto sa Sabado.

“Skipping two days of training actually help my body to recover,” wika pa ni Viloria na nakaharap si Soto sa kaganapang inorganisa ng fight promoter Solar Sports.

Papasok si Viloria sa laban matapos ang inabot na panghihiya sa kamay ni Carlos Tamara ng Colombia nitong Enero nang matalo siya sa pamamagitan ng 12th round TKO sa Cuneta Astrodome upang maisuko ang hawak na IBF light flyweight division.

 Tiniyak ng Fil-Hawaiian boxer na ibang Viloria ang masisipat ng mga manonood sa laban dahil naniniwala siyang ang flyweight division ang siya niyang tamang timbang upang mas makapagdomina sa ring.

Si Soto na isang 30-anyos boxer na dalawang beses na nagtangka at na­bigo na maging world champion sa minimumweight at flyweight, ay may kumpiyansa rin na manalo kay Viloria. (ATan)

vuukle comment

BRIAN VILORIA

CARLOS TAMARA

CROWN PLAZA GALLERIA

CUNETA ASTRODOME

GARCIA

GOMEZ

PASIG CITY

SHY

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with