Termino ni Angping at PSC commissioners pinalawig pa
MANILA, Philippines - Dahil sa pagbawi ng naunang memorandum circular ng Malacañang, makikita pa rin sina chairman Harry Angping at Commissioners Eric Loretizo, Fr. Vic Uy, Joey Mundo at Akiko Thompson sa Philippine Sports Commission (PSC) hanggang Hulyo 31.
Sa inilabas na one-page circular na inilabas ng Malacañang kamakailan, idineklara nitong bakante ang lahat ng top government positions na inokupahan ng mga iniluklok ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na hindi mga career service executive officers (CESOs).
Ngunit ito ay binawi rin ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. kasabay ng pagpapahaba ng termino ng mga ito hanggang Hulyo 31
Sinasabing patatapusin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang termino ng naturang mga sports officials hanggang sa katapusan ng buwan bago maglagay ng mga papalit sa kanila sa sports agency.
Opisyal na nagtapos ang termino nina Angping, Loretizo, Uy, Mundo at Thompson noong Hunyo 30.
Si Angping, dating kinatawan ng Maynila sa Kongreso, ay ipinalit ni Arroyo kay William “Butch” Ramirez sa PSC noong Pebrero ng nakaraang taon.
Hindi tinantanan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, Jr., tiyuhin ni Presidente Aquino, si Angping sapul nang maupo ito sa sports agency.
Subalit walang reklamo ang dating softball association head kay Cojuangco
“We had some misunderstanding during my term but nothing personal,” ani Angping sa kampo ni Cojuangco, tiyuhin ni Aquino. “But I would like to thank them. They will always remain as my friends as well as the presidents of the National Sports Asociations.”
- Latest
- Trending