^

PSN Palaro

Shell chess lalarga sa Tuguegarao

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Matapos idaos ang unang leg sa NCR, dadayo naman nga­yong araw sa Tuguegarao ang ikalawang yugto ng 2010 Shell National Youth Active Chess Championships.

Ang naturang chessfest na lalahukan ng mga estudyante at out-of-school youth na may dalawang dibisyon, ang kiddies para sa mga edad 14 pababa at ang juniors para sa mga edad 20 pa­baba ay nakatakdang magsimula sa Cagayan Colleges sa nasabing bayan.

Inaasahang muli ang mga dikdikang pagtutuos sa pagsisimula ng ikalawang leg ng patimpalak gaya noong nakaraang taon kung saan nagsipagwagi sila Leonardo Abalos ng Baguio at McDominique Lagula ng FEU.

Ang susunod na leg naman ng torneo ay gaganapin sa Bata­ngas sa July 17-18 para sa Southern Luzon elims habang ang 4th leg ay idaraos sa Naga City sa July 31 hanggang August 1 para sa South Luzon qualifier.

Gaganapin naman sa Iloilo sa August 14-15 ang 5th leg para sa Western Visayas eliminations habang ang qualifier naman ay gaganapin sa Cebu sa Agosto. 28-29 Magtatapos naman ang national eliminations sa Cagayan de Oro sa Oktubre 11-12 habang ang Mindanao eliminations ay gaganapin sa Davao sa September 25 hanggang 26.

AGOSTO

BATA

CAGAYAN COLLEGES

CEBU

LEONARDO ABALOS

NAGA CITY

SHELL NATIONAL YOUTH ACTIVE CHESS CHAMPIONSHIPS

SOUTH LUZON

SOUTHERN LUZON

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with