^

PSN Palaro

So tumalon sa 60th spot sa World chess rankings

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Mula sa 64th spot, umakyat si Grand Master Wesley So sa ika-60 na puwesto sa listahan ng top 100 chess players sa buong mundo.

Sa bagong ratings na inila­bas ng International Chess Federation (FIDE), nadagdagan ng siyam na puntos ang noo’y 2665 points ng tubong Bacoor, Cavite na si So na mayroon ng kabuuang 2674 ELO rating points.

Ito ay matapos siyang lumahok sa ikatlong Phoenix Pe­troleum- Battle of GM’s National Chess Championships na idinaos sa Tagaytay City at sa 9th Asian Continental Men’s Individual Championships sa Subic.

Nakatakdang makipagsagupa ang 16-year old na si So sa isang major chess tournament sa Netherlands sa mga huling linggo nitong buwan.

Sa World Juniors, nasa ika-pitong puwesto si So sa 20-be­low category, nasa likuran nila sixth seed GM Le Quang Liem ng Vietnam (ELO 2681), fifth seed GM Fabiano Caruana ng Italy (ELO 2697), fourth seed GM Ian Nepomniatchi ng Russia (ELO 2706), third seed GM Maxime Vachier- Lagrave ng France (ELO 2723), second seed GM Sergey Karjakin ng Russia (ELO 2747) at world number one GM Magnus Carl­sen ng Norway (ELO 2826).

Nasa ikalawang puwesto naman sa Asya si So sa 20-under.

Labing isang puntos lamang ang kalamangan ni GM Alexander Motylev ng Russia na nasa World no. 50 laban kay So habang isang puntos na lang ang hinahabol ni So upang makatabla sa 59th place kay GM Kiril Gergiev ng Bulgaria.

 “This year, my immediate goal is surpass the ELO 2700 barrier and possibly make it to the Top 50 of the world,” ani So, na hindi pumasok sa kolehiyo ngayong taon upang matutukan ang kanyang chess career. 

ALEXANDER MOTYLEV

ASIAN CONTINENTAL MEN

ELO

FABIANO CARUANA

GRAND MASTER WESLEY SO

IAN NEPOMNIATCHI

INDIVIDUAL CHAMPIONSHIPS

INTERNATIONAL CHESS FEDERATION

KIRIL GERGIEV

LE QUANG LIEM

MAGNUS CARL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with