^

PSN Palaro

Pinay paddlers nagsasanay na para sa Asiad

-

MANILA, Philippines - Matapos makilahok sa kaka­tapos lamang na Macau at Chi­na International Dragon Boat Races, nagsisimula ng magsa­nay ang Philippine Dragon Boat National Women’s Team para sa gaganaping Asian Games sa Nobyembre.

Nagtapos sa second spot ang Philippine Dragon Boat National Women’s Team sa unang kompetisyon sa Macau, sumunod sa China sa 500m race.

Inuwi naman nila ang dalawang bronze medal sa 1,000 at 250 meter race at isang silver medal sa 500 meter event sa ika­lawang kompetisyon na kanilang nilahukan sa Zhouqing, China matapos nilang maghiganti sa mga Chinese teams na tumalo sila sa Macau.

Nais ng Philippine Women’s Dragon Boat Team na mabasag ang record time ng China upang maibigay sa bansa ang pinaka-aasam na gintong medalya sa Asian Games.

Itinatag noong 1997, ang Philippine Dragon Boat National Women’s Team ay binubuo ng mga babaeng atleta kabilang ang kauna-unahang Pinay na naka-akyat sa Mount Everest.

Ang Philippine Dragon Boat National Women’s Team ay suportado ng PHILMEX Mining Corp., at ng Spyder Eyewears and Sports Gear.

ASIAN GAMES

BOAT

DRAGON BOAT NATIONAL WOMEN

DRAGON BOAT RACES

DRAGON BOAT TEAM

MACAU

MINING CORP

MOUNT EVEREST

PHILIPPINE WOMEN

SPYDER EYEWEARS AND SPORTS GEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with