^

PSN Palaro

Ray Parks Jr., nais paglaruin ng Smart Gilas

- Ni Mcinco -

MANILA, Philippines - Sa posibleng hindi paglalaro ng mga key players dahilan ng mahirap na schedule, nais ng Nokia Under-18 National Team na maglaro para sa kanila si Fil-Am Ray Parks Jr. para sa darating na FIBA-Asia Junior Men’s Championship na idaraos sa Yemen ngayong darating na Setyembre.

Ayon kay RP Youth tactician Eric Altamirano, ang mga key players ng U-18 team na naglalaro sa UAAP, kabilang na si Kiefer Ravena, ay maaring hindi mapabilang sa gagana­ping torneo sa Yemen dahil ito ay sasagasa sa mga krusyal na laro ng collegiate league na magsisimula sa July 10 at ma­tatapos sa unang parte ng Oktubre.

“I hope he plays,” ani Alta­mi­rano sa anak ng ex-PBA im­port na si Bobby Parks na ma­sisilayang maglaro para sa NU Bulldogs sa susunod na UAAP season.

Maliban kay Ravena na nag­nanais na pamunuan ang Ate­neo Eaglets sa ikatlo nitong sunod na kampeonato sa juniors division ng UAAP, kabilang din sila Ael Banal ng Ateneo, Gwayne Capacio ng La Salle Zobell, Kevin Ferrer at Cedric Labing-isa ng UST at Michael Tolomia ng FEU sa mga miyembro ng U-18 squad na maaring hindi makalahok sa naturang FIBA-Asia event.

AEL BANAL

ASIA JUNIOR MEN

BOBBY PARKS

CEDRIC LABING

ERIC ALTAMIRANO

FIL-AM RAY PARKS JR.

GWAYNE CAPACIO

KEVIN FERRER

KIEFER RAVENA

LA SALLE ZOBELL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with