^

PSN Palaro

4 Talk N Text cagers nangunguna sa karera ng Best Player of the Conference award

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Apat na Tropang Texters ang bumabandera sa karera para sa Best player of the Confe­rence award ng 2009-2010 PBA Fies­ta Conference.

Ang mga ito ay sina Ranidel De Ocampo, Kelly Williams, Mac Cardona at Jimmy Alapag ng Talk ‘N Text, samantalang na­sa Top 10 sina James Yap ng Derby Ace, Gary David ng Coca-Cola, Jay Washington ng San Miguel, Gabe Norwood ng Rain or Shine, Arwind Santos ng San Miguel at LA Tenorio ng Alaska.

Nagposte si De Ocampo ng 32. 0 statistical points average mula sa kanyang 16.0 points, 6.5 rebounds, 2.3 assists, 0.5 steals at 0.2 shotblocks sa 18 laro para sa Tropang Texters na umangkin sa una sa dalawang outright semifinals berth.

Nasa ilalim ng 6-foot-6 na si De Ocampo sina Williams (29.3), Cardona (29.1), Alapag (28.8), Yap (28.7), David (28.1), Washington (27.7), Norwood (27.1), Santos (26.6) at Tenorio (26.44).

Nakatakdang paglaba­nan ng nagdedepensang San Miguel at Derby Ace ang ikalawa at huling automatic semis ticket sa Biyernes sa ganap na alas-7:30 ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Sa unang laro sa alas-5 ng hapon naman pag-aagawan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine ang pangatlo at huling outright quarterfinals seat.

Ang matatalo sa pagitan ng Beermen at Llamados ang ma­huhulog sa quarterfinals, samantalang ang matatalo sa laro ng Gin Kings at Elasto Painters ang malalaglag sa wildcard.

 Ipaparada ng Ginebra si 6’6 Cris Daniels bilang kapalit ni Denham Brown, ang humalili kay Mildon Ambres na pumalit naman kay Awvee Storey.

Samantala, bilang pagbi­bigay daan sa inagurasyon ni President elect Nonoy Aquino, walang PBA games ang idaraos ngayong gabi.

vuukle comment

ARWIND SANTOS

AWVEE STOREY

BARANGAY GINEBRA

CRIS DANIELS

DE OCAMPO

DENHAM BROWN

DERBY ACE

ELASTO PAINTERS

SAN MIGUEL

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with