Guinita suspindido ng 1 laro
MANILA, Philippines - Si Aldrin Guinita ng Emilio Aguinaldo College ang unang collegiate player na napatawan ng isang one-game suspension sa 86th NCAA men’s basketball tournamrent.
Inihayag kahapon ni NCAA Management Committee (ManCom) chairman Frank Gusi ng host San Sebastian College-Recoletos na ang naturang suspensyon ay mula sa ginawang panununtok ni Guinita sa isang manlalaro ng Arellano University sa kanilang laro noong Linggo sa The Arena sa San Juan.
Nakaligtas naman ang ilang cagers na nasangkot sa isang ‘bench clearing’ sa pagitan ng Mapua at University of Perpetual Help-Dalta System.
Ang mga ito ay sina Ray Cabrera, Jason Pascual, Michael Par at Narr Garay ng Cardinals at sina Arnold Danganan, Chrisper Elopre at Mark Sumera ng Altas.
Pinatalsik ni NCAA Commissioner Aric Del Rosario ang naturang mga manlalaro sa 79-65 panalo ng Mapua sa Perpetual
Isang flagrant foul ang ipinalasap kay Danganan matapos ‘tirahin’ si Andretti Stevens ng Cardinals, samantalang binigyan naman ng technical foul sina Elopre, Sumera, Pascual at Parala dahil sa kanilang pagtutulakan.
“We’ve instituted this new ruling because we want to prevent fights from breaking out. We will not tolerate this kind of behavior in this league,” sabi ni Del Rosario.
- Latest
- Trending