^

PSN Palaro

Angping nagpaalam na sa PSC, Jawo papalit?

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bagamat wala pang ini­hahayag na papalit sa kanya, pormal nang nagpaalam si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping sa mga kapwa niya sports officials at empleyado kahapon.

Ginawa ito ni Angping ka­sabay ng pagbubukas sa bagong ayos na Badminton Hall sa Rizal Memorial Complex sa Vito Cruz, Manila kasama ang asawang si Manila Representative Naida Angping, anak na si Hans at sina outgoing PSC Commissioners Fr. Vic Uy, Eric Loretizo at Joey Mundo.

Iiwanan ng dating Manila Congressman ang sports commission na walang utang ni isang sentimo kasama pa ang matatanggap na dagdag na pondo mula sa renta ng mga uupa sa mga ipinagawa niyang commercial centers sa RM­SC na dating pinamumugaran ng mga beer joints.

“We already finished the commercial centers around the complex and add the money that we would get to the rentals of our swimming pools and track and ovals, we’ll have millions of savings, it was never done before,” ani Angping.

Nagsumite na sina Angping, Uy, Loretizo at Mundo ng kanilang mga courtesy resignation kay President-elect Benigno “Noynoy” Aquino III dalawang linggo na ang nakararaan.

Subalit habang wala pang nailuluklok si Aquino ay mananatili pa rin ang dating softball association chief sa kanyang posisyon bilang chairman ng komisyon.

“I will not leave until the President appoints my successor because officially I will only be the PSC chairman until tomorrow (today). After that, I will just be the caretaker,” sabi ni Angping, sinasabing papalitan ni da­ting. Sen. Robert Jaworski, Sr. na manugang ng pinsan ni Aquino na si Mikee Cojuangco.

Nakipagkasundo rin si Angping sa De La Salle University hinggil sa isang sports academy para sa mga athletes at coaches bukod pa ang pagpapa­ayos sa track and field oval para sa isang ‘state-of-the-art’ football stadium.

Sa naturang mga ak­syon, walang ginastos na pondo ang sports agency, paglilinaw ni Angping sa mga naunang banat ni Philippine Olympic Committee (POC) head Jose “Peping” Cojuangco, Jr.

ANGPING

AQUINO

BADMINTON HALL

COMMISSIONERS FR

DE LA SALLE UNIVERSITY

ERIC LORETIZO

HARRY ANGPING

JOEY MUNDO

MANILA CONGRESSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with