Mandaue asam ang panalo vs GenSan

MANILA, Philippines - Magandang simula ang hanap ng Mandaue sa pagtayo bilang punong abala sa 4th leg ng Tournament of the Philippines (TOP) na isasagawa sa Mandaue Gym.

Para mas makinang ang maipakitang laro, plano nga ni coach Al Solis na idagdag sa koponan ang beteranong PBA player na si Ardy Larong sa hangaring mapagharian ang leg sa torneong pinagtulungang i-organisa ng Philippine Basketball League at Liga Pilipinas.

Kalaban ng home team ang MP Pacman Gensan Warriors sa tampok na laro na magsisimula matapos ang simpleng opening ceremony ganap na alas-7 ng gabi.

Pupuntiryahin naman ng Ani-FCA na makatikim ng kauna-unahang panalo sa torneo sa pagbangga sa Misamis Oriental sa ga­nap na alas-5 ng ha­pon.

Show comments