Chavez, Jr. dinomina si Duddy; Barrera nagbalik
SAN ANTONIO — Dinomina ni Julio Cesar Chavez, Jr. ng Mexico si John Duddy ng Ireland via unanimous decision sa kanilang 12-round middleweight fight kahapon dito sa Alamodome.
Pawang mga hooks at jabs ang ginamit ni Chavez Jr., may 42-0-1 win-loss-draw ring record ngayon, para talunin si Duddy (29-2).
Ito ang unang pagkakataon sa kanyang eight-year career na umabot sa 12 rounds ang laban ni Chavez, ginabayan ng trainer ni Manny Pacquiao na si Freddie Roach.
“John is the toughest fighter I’ve faced so far,” ani Chavez kay Duddy.
Sa undercard, tinalo ni Mexican boxing legend Marco Antonio Barrera (66-7) si Adailton DeJesus (26-5) sa isang 10-round lightweight fight.
“I plan to work harder, get down to 135 and fight for a world title,” ani Barrera, dalawang beses na tinalo ni Pacquiao. “I am back because I want to be the first Mexican to win world titles in 4 different weight divisions.”
- Latest
- Trending