^

PSN Palaro

Mapua, Arellano umiskor

-

MANILA, Philippines - Natuto na ng kani­lang leksyon ang mga Car­dinals.

Naging mainit mula sa first hanggang fourth quarter, iginupo ng Mapua ang University of Perpetual Help-Dalta System, 79-65, sa 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

“We learned our lesson from last year so I kept reminding the boys to play consistent from start to finish,” sabi ni coach Chito Victolero sa kanyang Cardinals, may 1-0 rekord kagaya ng nagdedepensang San Sebastian Stags at San Beda Red Lions.

Sa ikalawang laro, tinalo ng Arellano University ang Emilio Aguinaldo College, 82-72.

Umiskor si Mark Acos­ta ng 14 points ka­su­nod ang 13 ni Erwin Cornejo, 11 ni Rodel Ra­nises at 10 ni Jason Pas­cual para sa Mapua, naging finalist sa na­karaang Fr. Martin Cup.

Halos magsuntukan naman sina Cardinal’s forward Andretti Stevens at Arnold Danga­nan ng Altas nang magpang-abot sa fourth quarter kung saan lamang ang Ma­pua sa Perpetual, 58-50.

Matapos ito, napatal­sik naman sa laro sina Ray Cabrera ng Cardinals at Narr Garay ng Al­tas.

Isang 19-6 atake ang ginawa ng Cardinals ni Victolero sa fourth period para tuluyan nang talunin ang Altas.

ALTAS

ANDRETTI STEVENS

ARELLANO UNIVERSITY

ARNOLD DANGA

CHITO VICTOLERO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

ERWIN CORNEJO

JASON PAS

MAPUA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with