^

PSN Palaro

Elasto painters humirit ng playoff seat para sa huling tiket sa quarterfinals

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Tila si balik-import Rod Nealy na ang ‘missing link’ sa Elasto Painters.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon, muling iginiya ni Nealy ang Rain or Shine sa panalo matapos humugot ng 26 points, 17 rebounds at 7 assists sa 101-90 paggupo sa Coca-Cola at humirit ng isang playoff berth para sa ikatlo at huling outright quarterfinals seat sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.

Makakatapat ng Elasto Painters ang Ginebra Gin Kings sa isang playoff sa Biyernes sa Ninoy Aquino Stadium.

Bilang pakikiisa sa Presidential Inauguration ni Benigno “Noynoy’ Aquino III, walang itinakdang laro sa Miyerkules.

May 9-9 baraha ngayon ang Rain or Shine katabla ang Ginebra sa ilalim ng semifinalist Talk ‘N Text (15-3), nagdedepensang San Miguel (13-5), Derby Ace (12-5) at Alaska (11-7) kasunod ang Coke (8-10), Sta. Lucia (5-13), Air21 (4-14) at Barako Coffee (3-14).

Sa kanilang playoff match, inaasahang ipaparada ng Gin Kings ang bagong hugot na si Chris Daniels bilang kapalit ni Denham Brown.

“Against Ginebra, I think they are still one of the best teams in the league despite they are losing,” sabi ni head coach Caloy Garcia.

Matapos kunin ng Tigers ang 78-77 lamang sa 9:48 ng fourth quarter mula sa split ni import John Williamson, nagtuwang naman sina Nealy at Sol Mercado para ihulog ang isang 12-2 atake para sa 89-80 abante ng Asian Coatings franchise sa 6:10 nito.

Huling nakalapit ang Coke sa 84-89 agwat ga­ling sa putback ni Asi Taulava kasunod ang agaw ni Ryan Araña, ang nagbida sa 113-111 pagtakas ng Rain or Shine sa Air21 noong Biyernes, sa pasa para kay Gary David para sa kanilang 91-84 bentahe.

AGAINST GINEBRA

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

ASIAN COATINGS

BARAKO COFFEE

BIYERNES

CALOY GARCIA

CHRIS DANIELS

DENHAM BROWN

ELASTO PAINTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with