^

PSN Palaro

Ascof naisahan ng Treston, 3rd leg champion sa TOP

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagtutuos nakuha ng Treston Laguna ang istilo upang talunin ang Ascof Lagundi para sungkitin din ang kampeonato sa 3rd leg ng Tournament of the Philippines na nagtapos nitong Biyernes sa Trace College Gym.

Mahusay na pagtutulungan ng mga ina­asahang manlalaro at matibay na zone defense ang siyang susi para makuha ng Stallions ang 99-88 tagumpay at ma­wakasan ang naunang dalawang sunod na panalo na kinuha ng Cough Buster.

Higit sa unang panalo, ang Stallions din ang lumabas bilang kauna-unahang host team na nanalo ng leg title sa sari­ling tahanan upang magkaroon na rin ng kabuuang 18 puntos ang Laguna nang makahablot ng 12 puntos sa yugtong ito.

Sina JR Aquino at Alain Musni ay nag­hatid ng tig-18 puntos na karamihan ay sa inside plays habang ang mga outside shooters na sina Ricky Ricafuente at Leomar Losentes ay nagdagdag ng 14 at 12 puntos.

Ang dalawang guards nga ay nagsanib sa limang tres sa second half upang makalayo nang tuluyan ang Stallions matapos ang dikitang first half.

Patok ang Cough Busters na makuha ang unang titulo sa ikalawang pagpasok sa leg finals pero malamya ang ipinakita ng bataan ni coach Carlo Tan lalo na ng mangabayo na sa ilalim sina Aquino at Musni.

Kinuha naman ng Mandaue Cebu ang ikatlong puwesto sa bisa ng 84-83 panalo sa Cobra Energy Drink.

ALAIN MUSNI

AQUINO

ASCOF LAGUNDI

CARLO TAN

COUGH BUSTER

COUGH BUSTERS

LEOMAR LOSENTES

MANDAUE CEBU

RICKY RICAFUENTE

TOURNAMENT OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with