MANILA, Philippines - Nang magtayo ang Express ng isang 28-point lead sa third quarter, hindi nila akalain na makakabangon pa ang Elasto Painters upang agawin ang panalo.
Isang buzzer-beating follow-up ni Ryan Araña ang gumabay sa Rain or Shine sa 113-111 pagtakas sa Air21 para buhayin ang kanilang tsansa sa isang playoff sa ikatlo at huling outright quarterfinals seat sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.
“Actually, I have no idea,” sabi ng dating import ng Ginebra Gin Kings na si Rod Nealy, kinuha ng Elasto Painters bilang kapalit ni Jai Lewis, na humakot ng game-high 41 points, 16 rebounds at 4 assists.
May 8-9 baraha ngayon ang Rain or Shine sa ilalim ng semifinalist Talk ‘N Text (15-3), nagdedepensang San Miguel (12-5), Derby Ace (12-5), Alaska (11-6) at Ginebra (9-8) kasunod ang Coca-Cola (7-9), Sta. Lucia (5-12), Air21 (4-14) at Barako Coffee (3-14).
Para makatulak ng playoff kontra Gin Kings sa nag-iisang outright quarterfinals ticket, kailangang talunin ng Elasto Painters ang Tigers sa Linggo.
Mula sa 34-24 lamang sa first period, ipinoste ng Express ang isang 28-point lead, 86-58, sa 4:31 ng third period sa likod nina import Leroy Hickerson at Ronjay Buenafe hanggang makalapit ang Asian Coatings franchise sa pagsasara nito, 78-95.
Isang 21-3 atake, tampok ang tatlong sunod na three-point shots ni Nealy, ang nagbigay sa Rain or Shine ng 99-98 abante sa 5:54 ng final canto bago naitabla ni Doug Kramer ang Air21 sa 111-111 sa huling 19 segundo.
Rain or Shine 113 - Nealy 41, Mercado 19, Norwood 15, Arana 13, Chan 5, Reyes 5, Cruz 4, Laure 4, Tang 2, Ibanes 2, Telan 2,Hrabak 1.
Air 21 111 - Hickerson 34, Buenafe 21, Ritualo 11, Kramer 10, Alvarez 8, Mamaril 8, Gonzales 7, Williams 4, Belga 4, Matias2, Billones 2, Sharma 0, Arboleda 0.
Quarterscores: 24-34, 52-61, 78-95, 113-111.