^

PSN Palaro

Pascua tumapos ng 15th place sa Asian Junior netfest

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Nagtapos si FM Haridas Pas­cua ng 11th place sa boys division, habang si Christy La­miel Bernales naman ay nalag­lag sa ika-35th na posisyon sa pagtatapos ng 2010 Asian Juniors Chess Championships sa Vijay Pak and Business Hotel sa India.

Nabigo si Pascua laban sa No. 9 Indian IM na si Das De­bashis sa ika-siyam at hu­ling yugto ng kompetisyon at tuluyang nabura ang kanyang pag-asa na magtapos sa Top 10 ng paligsahang nilahukan ng 74 woodpushers mula sa wa­long bansa na inorganisa ng All-India Chess Federation sa pakikipag­tulungan ng Tamilnado State Chess Association at ng Sporst Promotion Foundation.

Ang 17-anyos na tubong Ma­ngatarem, Pangasinan na si Pascua, nakipagtabla sa ika-anim na puwesto sa ika-walong round ay nagposte ng 5.5 points sa limang panalo, isang tabla at tatlong talo at nagtapos sa pakikipagsalo sa ika-14 hanggang ika-21 na puwesto.

Ngunit base sa mga tie-break scores, nasungkit ni Pascua ang ika-labinlimang puwesto.

Inuwi ni Shyam ang titulo sa pamamagitan ng mas mataas na tie-break score na sinundan ni Vidit at Nitin.

Nagtabla sila Shyam at Nithin habang si Vidit ay nagtagumpay laban sa number 24 na si Reddy Chinma Mehar.

Masama rin ang naging pag­tatapos ng kampanya ni Bernales sa girls’ division na nilahukan ng 54 na manlalaro.

Ang UE standout na si Bernales ay yumuko kay No. 35 seed Azman Hisham Nur Nabila ng Malaysia at nakasya lamang sa ika-35 na puwesto at nagtala ng apat na puntos sa tatlong panalo, dalawang tabla at apat na talo.

ALL-INDIA CHESS FEDERATION

ASIAN JUNIORS CHESS CHAMPIONSHIPS

AZMAN HISHAM NUR NABILA

BERNALES

CHRISTY LA

DAS DE

HARIDAS PAS

IKA

PASCUA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with