MANILA, Philippines - Ngayong darating na Agosto, ang New York City ang magiging host ng kauna-unahang World Basketball Festival.
Sa pakikipagtulungan ng Nike Inc. at ng USA Basketball, ang World Basketball Festival na gaganapin sa ika-12 hanggang sa ika-15 ng Agosto ay katatampukan ng apat sa pinakamagaling na National Squads sa mundo, ang USA, China, Puerto Rico at France.
Ang World Basketball Festival ay magkakaroon rin ng mga pagtatanghal ng mga top musical perfomers.
Tampok din dito ang mga na-ngungunang basketball brands sa ilalim ng Nike gaya ng Converse at Jordan Brand.
Mula sa pagbubukas ng naturang basketball event sa Agosto 12 sa Times Square, magkakaroon din ng tune-up game ang National Teams ng Brazil at Puerto Rico at practice sessions ng France sa basketball courts ng ma-alamat na Rucker Park .
Isa rin sa pangunahing la-yunin ng mga exhibition games sa gaganaping World Basketball Festival ay ang paghahanda ng mga National Squads para sa nalalapit na FIBA World Basketball Championships na gaganapin sa Turkey na magsisimula sa Agosto 28 at magtatapos sa Setyembre 12.