^

PSN Palaro

Cardona naungusan na ni Yap

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Iniwanan si Mac Cardona ng Talk ‘N Text, inagaw ni James Yap ng B-Meg Derby Ace ang pang apat na puwesto sa karera para sa Phoenix Petroleum-PBA Elims Top Performer Award.

Hawak pa rin ng tatlong Tropang Texters na sina Ranidel De Ocampo, Jimmy Alapag at Kelly Williams ang top three kasunod sina Yap, Cardona, Gary David ng Coca-Cola, LA Tenorio ng Alaska, Jay Washington at Arwind Santos ng San Miguel at Harvey Carey ng Talk ‘N Text.

Nagtala si De Ocampo ng average na 31.8 statistical points mula sa kabuuan niyang 540 SPs sa itaas ng 29.5 average (502 SPs) ni Alapag, 28.7 (488 SPs) ni Williams at 28.2 SPs average (451) ni Yap.

Maliban kay David na may av­erage na 20.7 points per game, ang 17.9 ppg clip ni Yap ang pinakamataas sa top 20 players sa Top Performer derby. Mayroon rin siyang 2.9 rebounds per game at 1.9 assists.

Si De Ocampo ay naglista naman ng 16.1 ppg, 6.5 rpg, and 2.4 assists per game average kasunod sina Alapag 13.3 ppg, 2.3 rpg, at 7.4 apg.

Nagposte si Williams ng mga averages na 13.2 ppg, 7.8 rpg at 1.5 ppg para sa Tropang Texters.

Ang PBA Press Corps, pu­mipili sa Coach of the Year, Executive of the Year at Finals MVP, ang magbibigay ng Top Performer award sa unang araw ng wildcard stage para pa­rangalan ang best player ng elimination round.

ALAPAG

ARWIND SANTOS

B-MEG DERBY ACE

COACH OF THE YEAR

DE OCAMPO

ELIMS TOP PERFORMER AWARD

EXECUTIVE OF THE YEAR

N TEXT

TOP PERFORMER

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with