Ascof Lagundi sa finals na
MANILA, Philippines - Hinigitan ng Ascof Lagundi ang enerhiyang inaasahang manggagaling sa host Treston-Laguna habang bumangon naman ang Mandaue Cebu sa nakakahiyang unang laro sa pangalawang araw ng 3rd leg ng Tournament of the Philippines nitong Miyerkules sa Trace College Gym sa Los Baños, Laguna.
Walang humpay na full-court press at matitinding pag-atake sa basket ang siyang susi para sa Cough Masters upang itala ang 92-82 panalo sa Stallions tungo sa ikalawang sunod na panalo sa ligang inorganisa ng PBL at Liga Pilipinas.
Hirap na mapatakbo ang kanilang running game, ininda rin ng Stallions ang mahigpit na tawag ng mga referees dahilan upang magkaroon din sila ng limang technical fouls sa laro.
Si coach Nomar Isla ay napatalsik sa laro may 3:55 sa orasan dahil sa dalawang technical foul habang ang isa sa pambatong manlalaro na si Robert Sanz ay na-foul out may 23 segundo sa first half upang tuluyang mapilay ang koponan at mabigo sa hangaring masundan ang 90-62 unang panalo sa Mandaue.
Kumulekta nga ng 33 puntos sa 42 attempts sa free throw line ang Ascof Lagundi at pito ang ginawa ni Fil-Am John Smith sa ikalawang yugto na kung saan nailista ng Cough Busters ang pinakamalaking kalamangan sa laro na 39-19.
May posibilidad na magkaroon ng 3-way tie sa first place kung matalo ang Ascof Lagundi sa Land Masters at manalo ang Treston Laguna sa Cobra sa huling laro.
Kung mangyayari ito ay gagamitin ang quotient system para basagin ang tabla at dito madedehado ang Mandaue matapos silang matalo ng 28 puntos sa unang laro.
Ibinaon naman sa limot ng tropa ni coach Al Solis ang masamang simula nang kalusin nila ang Ironmen, 92-80, para ipalasap sa huli ang ikalawang sunod na kabiguan at wakasan ang hangaring ikalawang sunod na leg title sa ligang suportado rin ng Air21, Molten, Ascof Lagundi, Agrinurture, Treston College, Burlington at Basketball TV.
Mandaue-Cebu 92--Magdadaro 21, Laygo 17, Gerilla 17, Diputado 16, Gavina 7, Zanoria 7, Gabas 4, Villaver 2, Ursal 1.
Cobra 80 Llagas--17, Canizares 14, Acuna 12, Espiritu 11, Bagatsing 8, Nabong 8, Tecson 6, Lingganay 2, Barua 2, Afable 0.
Quarterscores: 21-21, 41-40, 73-66, 92-80
Ascof Lagundi 92--Smith 14, Leynes 14, Aguilar 13, Manuel 13, Uyloan 12, Gamalinda 10, Canlas 5, Asoro 4, Lanete 3, Co 2, Maliksi 2, Taylor 0, Mangahas 0
Treston Laguna 82--Losentes 22, Bolocon 20, Mangahas 9, Aquino 8, Mercado 6, Angeles 5, Sanz 4, Ricafuente 3, Legaspi 2, Musngi 2, Tolentino 1, Gloroso 0.
Quarterscores: 22-10, 47-23, 74-54, 92-82.
- Latest
- Trending