^

PSN Palaro

Ginebra silat sa Jordan

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nagtuwang sina Islam Abbaas, Zaid Abbas at Sam Daghles sa huling tat­long minuto ng laro para igiya ang Jordan sa 84-81 panalo kontra Barangay Ginebra sa 2010 Smart Philippine Invitational Challenge kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtala si Islam Abbaas ng 21 points, 3 rebounds at 2 assists, habang may 17 marka si Zaid Abbas, tig-11 sina American Rasheim Wright at Mohammad Adrab at 10 si Daghles para sa tagumpay ng Jordanians.

Umiskor naman si Sunday Salvacion ng 15 points, tampok rito ang 5-of-6 shooting sa three-point range, sa panig ng Gin Kings. 

“We don’t know them. They shoot from everywhere,” ani Jordan head coach Mario Palma, isang Portugese, sa Ginebra ni mentor Jong Uichico. “They are very athletic and very good in shooting.”

Mula sa 51-38 abante ng Jordanians, naidikit nina JC Intal at John Ferriols ang Gin Kings, nakahugot ng 6 points, 1 board at 1 steal kay import Den Ham Brown mula sa 13:46 minutong paglalaro sa first half, sa 45-51 sa 4:25 ng third period.

Isang 10-0 atake ang ginawa ng Jordan para iposte ang isang 16-point lead, 61-45, sa 2:01 nito.

Mula sa 55-70 agwat sa Jordanians, tinalo ang RP Team nina Chot Reyes at Yeng Guiao noong 2007 at 2009 FIBA Asia Championships, isang 21-7 bomba ang inihulog ng Gin Kings para agawin ang unahan sa 76-75 sa 3:26 ng final canto.

 Sa naturang ratsada ng Ginebra, tatlong three-pointers ang isinalpak ni Salvacion, habang nag-am­bag naman ng tig-apat na puntos sina Rico Villa­nueva at Ronald Tubid.

Mula rito, dinala naman nina Abbaas, Abas at Daghles ang Jordan sa 81-76 bentahe laban sa Gin Kings, hindi ginamit sina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand, sa huling 1:16 ng laro.

 Bago sumabak sa naturang five-team, four-day mini pocket tournament, nanggaling muna ang mga Jordanians, pinaghahandaan ang darating na 2010 FIBA World Cham­pionship sa Turkey sa Agos­to, sa isang training camp sa China.

Kaugnay nito, karagdagang silya sa mga bansa sa Asya para sa 2012 Olympic Games sa London.

Ito ang itutulak ni Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan sa kanyang pagdalo sa International Basketball Federation (FIBA) World Congress na nakatakda sa Setyembre 3-6 sa Istanbul, Turkey.

“Just basing it on po­pula­tion, Asia is huge and aside from China, the Mid­dle East countries are also contenders already so I think it’s proper to add at least one more slot,” ani Pa­ngilinan kahapon. 

Nakatakda ang quali­fying tournament para sa Asya patungo sa 2012 London Olympics sa Lebanon sa 2011.

Ilalatag ng SBP ang kanilang kahilingan sa FIBA Central Board na mabigyan ng karagdagang puwesto ang mga bansa sa Asya para sa naturang quadrennial event.

Tanging ang magka­kampeon sa 2011 Fiba Asia Men’s Championship sa Beirut ang siyang kakatawan sa Asya sa 2012 London Olympics.

Jordan 84 - Abbaas 21, Abbas 17, Wright 11, Hadrab 11, Daghles 10, Alawadi 6, Al-Sous 3, Abu Quora 0 at Alnajjar 0.

Ginebra 81 - Salvacion 15, Cortez 13, Intal 10, Miller 9, Tubid 8, Brown 6, De Ocampo 5, Villanueva 5, Hatfield 4, Ferriols 4, Menk 2.

Quarterscores: 29-13; 42-31; 65-53; 84-81. 

ABBAAS

ASYA

DAGHLES

GIN KINGS

GINEBRA

ISLAM ABBAAS

LONDON OLYMPICS

MULA

SHY

ZAID ABBAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with