Sharapova nakaligtas kay Pivovarova, umusad sa 2nd round ng Wimbledon

WIMBLEDON, England - Tinalo ni Russian Maria Sharapova ang kababayang si Anastasia Pivovarova, 6-1, 6-0, sa loob ng 54 minuto.

Ngayon lamang gumanda ang pakiramdam ni Sharapova sa pagsabak sa Wimbledon.

Noong 2008, natalo siya sa second round kay Alla Kudryavtseva, isang Russian ranked 154th. Noong 2009 matapos ang 10-month layoff dahilan sa kanyang shoulder injury, muling nabigo si Sharapova sa second round kay Gisela Dulko.

Ngayon, optimistiko si Sha­rapova.

“My body feels good. I’m in much better match condition than I was last year,” ani Sharapova, may 18-5 sa 2010 kasama ang dalawang tournament titles.

Nawala sa top 100 ang da­ting No. 1 player dahil sa kan­yang layoff.

Umakyat na siya sa No. 17 at maaaring makalaban ang nagdedepensang si Serena Williams sa fourth round ng torneo.

Samantala, maningning naman na sinimulan ni Serena Williams ang pagdedepensa sa kanyang titulo matapos iposte ang kumportableng 6-0, 6-4 panalo laban sa 17-anyos na Michelle Larcher de Brito.

Lahat ng 27 puntos na ki­nana ni Williams mula sa kanyang unang serbisyo ay kanyang napagwagian kung saan tumirada ito ng 15 aces na ang huli ay sa kanyang final na tira.

Ang iba pang umusad sa second round ay sina two-time major champion Svetlana Kuznetsova na natabunan ang 16 aces ni Akgul Amanmuradova ng Uzbekistan at nakalusot sa iskor na 6-2, 6-7 (5), 6-4; No. 3 Caroliner Wozniacki; No. 7 Agnieszka Radwanska; No. 9 Li Na at No. 10 Flavia Pennetta.

Minalas naman ang No. 6 na si Samantha Stosur, runner-up sa French Open sa No. 10th-ranked qualifier na si Kaia Kanepi ng Estonia, 6-4, 6-4.

Gayundin ang firts-time major champion na si Francesca Schiavone, ang tumalo kay Stosur sa Roland Garros sa French Open.

Show comments