MANILA, Philippines - Nakapagsumite na si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping ng kanyang courtesy resignation kay President-elect Benigno “Noynoy” Aquino III noong nakaraang linggo.
Sinabi kahapon ni Angping na pinamamadali na niya kay Aquino ang paghirang ng papalit sa kanya sa sports commission.
“I have already submitted my letter of resignation last week and I indicated to my letter to appoint a new chairman as soon as possible because of the deadline, the timetable for the Asian Games,” ani Angping.
Nakatakdang bumaba ng posisyon si Angping sa Hunyo 30 kasabay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang nailuklok sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
“We’re talking only of July, August, September, October. So four months na lang. And that is the only time for the new PSC chairman to prepare for the Asian Games,” dagdag ni Angping.
Sa likod ni Angping, ilang rehabilitasyon na ang naipagawa sa mga sports facilities sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila, Philsports Arena sa Pasig City at Teacher’s Camp sa Baguio City.
Para sa 2010 Guangzhou Asiad, sinabi ni Angping na hindi na lalaki pa sa 100 ang gusto niyang maging bilang ng mga national athletes na kakatawan sa bansa.
“I’m still maintaining my projection that only athletes who qualify at least for a bronze medal will be included in the delegation,” sabi ni Angping. “I don’t believe in the practice in the past na so-called exposure. When you go out for such an international event, you go there for competition.”