Ascof, Laguna nagpasiklab
MANILA, Philippines - Nagpasabog ng walong puntos si Jonathan Uyloan matapos makapanakot ang Cobra Energy Drink upang maiuwi ng Ascof Lagundi ang 104-100 pa nalo sa pagbubukas ng 3rd leg ng Tournament of the Philippines nitong Martes sa Trace College Gym sa Los Banos, Laguna.
Hindi naman nagpahuli ang host Treston Laguna ng durugin nila ang Mandaue-Cebu, 90-62, sa ikalawang laro upang makasalo sa liderato sa apat na koponang liga na pinagtutulungang i-organisa ng PBL at Liga Pilipinas.
Lumayo sa 72-53 ang Ascof sa kalagitnaan ng ikatlong yugto pero kinailangan nila ang husay ni Uyloan matapos makadikit sa 88-87 ang Ironmen may 3:23 sa orasan sa pagbibida ni PJ Barua.
“Hawak namin ang momentum pero nagrelax ang team. Suwerte lang at nailusot namin ang panalo,” wika ni coach Carlo Tan na nagnanais na higitan ang runner-up showing ng koponan sa 1st leg sa Manila.
Dalawang tres ang ibinagsak ni Uyloan upang itulak ang Cough Busters sa 96-90 kalamangan at kahit nakahuling hirit pa ang Ironmen sa 102-100, ay ang 26 na Fil-Am pa rin ang sinandalan nang maipasok ang dalawang free throws sa foul ni Rudy Lingganay na nagtiyak ng tagumpay kahit may anim na segundo pa sa orasan.
Tinapos ni Uyloan ang labanan taglay ang 14 puntos buhat sa 5 of 9 shooting, kasama ang 2 of 2 sa tres, para masuportahan sina Bam Gamalinda at Sean Co.
Si Gamalinda ay may 19 puntos at 10 rebounds at si Co ay nag-ambag ng 14 puntos, 13 rebounds at 6 assists.
Sinandalan naman ng Stallions ang mainit na paglalaro sa first half na kung saan gumawa sila ng 17 of 21 shooting sa 2-point field para maiwanan agad ang Landmasters.
Sa pangunguna ni Rob Sanz at JR Aquino ay nahawakan ng Stallions ang 48-28 kalamangan sa unang 20 minuto ng sagupaan bagay na hindi na nila binitiwan tungo sa dominating panalo.
“Naibigay ni JR ang intensity na kailangan namin at tumakbo kami nang tumakbo sa kabuuan ng laban. Sana ay hindi magbago ang ganitong paglalaro namin,” pahayag naman ni coach Nomar Isla na hangad na mapag-ibayo ang ikatlo at ikaapat na puwestong pagtatapos sa unang dalawang leg.
Nagpatuloy ang aksyon nitong Miyerkules at pinaglabanan ng Ascof Lagundi at Treston Laguna ang unang puwesto sa leg finals.
Ascof Lagundi 104--Gamalinda 19, Asoro 16, Uyloan 14, Co 14, Manuel 11, Aguilar 8, Taylor 7, Canlas 6, Lanete 5, Smith 4, Leynes 0, Labagala 0, Maliksi 0, Mangahas 0.
Cobra 102--Tecson 22, Barua 20, Llagas 16, Espiritu 13, Lingganay 11, Bagatsin 10, Nabong 4, Acuna 3, Canizares 1, Afable 0, Simpson 0.
Quarterscores: 32-22, 57-43, 78-65, 104-100.
Treston Laguna 90--Sanz 24, Bocolon 12, Canizares 10, Musngi 8, Aquino 8, Losentes 7, Ricafuente 5, Mangahas 5, Mercado 3, Legaspi 3, Datang 3, Tolentino 2, Giorioso 0.
Mandaue 62--Latonio 11, Gerilla 8, Dennison 8, Magdadaro 6, Zanorin 5, Gabas 4, Villaver 4, Ursal 4, Diputado 4, Bucao 2, Caputolan 2, Laygo 2, Berame 0
Quarterscores: 25-17, 48-28, 63-43, 90-62.
- Latest
- Trending