^

PSN Palaro

Hindi (pa) iiwan ni Agustin ang Stags

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Sobra naman kung makapag-react ang ilang tao hinggil sa paghawak (pansamantala) ni Renato Agustin sa San Miguel Beer sa kasalukuyang PBA Fiesta Conference.

Aba’y obvious naman na hindi (pa) hahalinhan ni Agustin bilang head coach ng Beermen si Bethune “Siot” Tanquingcen. Nagpahiyang lang naman ang San Miguel Beer at pinahawak kay Agustin ang team sa huling dalawang games nila.

Kinuha siya ng San Miguel bilang team consultant at pagka­tapos ay iniangat sa assistant coach bago nagpahiyang nga. Kasi nga, napagtatalo ang Beermen na inakala ng karamihan ay siyang makakakuha ng unang automatic semifinals berth sa torneo.

So, dalawang games na hinawakan ni Agustin ang Beermen at 1-1 ang kanyang naging record. Natalo sila sa Coca-Cola Tigers, 89-86 noong Miyerkules at tinalo nila ang Rain Or Shine, 99-86 noong Biyernes.

End of story na iyon.

Pero sukat ba namang tanungin pa si San Sebastian College athletic director Frank Gusi kung ano ang estado ni Agustin at kung magpapatuloy pa ito bilang head coach ng Stags sa pag­bu­bukas ng 2010 season ng National Collegiate Athletic Association ( NCAA).

Aba’y natural na si Agustin pa rin ang hahawak sa Stags!

Pahiyang nga lang, eh. Hindi naman siya naging head coach ng San Miguel officially.

Sa totoo lang, kahit pa siguro i-offer ng San Miguel kay Agustin ang head coaching job ng Beermen sa yugtong ito, hindi naman siguro siya iresponsable at basta-basta iiwan ang Stags lalo’t mag-uumpisa na ang NCAA season sa Sabado.

Hindi ganoong klaseng tao si Agustin na basta-basta su­sungga­ban ang kahit na anong magandang offer na dumating sa kanya kesehodang may masaktang iba at mabitiwang trabahong natanguan na.

Malaki ang responsibilidad ni Agustin sa SSC Stags.

Ang San Sebastian College ang nagbigay ng coching break sa kanya kahit na hindi siya produktong SSC. Biruin mo’ng sa Lyceum siya naglaro pero tinanggap siya ng SSC bilang head coach kahit na maraming produkto ang Stags na puwedeng hu­mawak sana ng team.

Well, sinuklian naman ni Agustin ang pagtitiwalang ito dahil sa naihatid niya ang Stags sa kampeonato noong nakaraang sea­son nang talunin nila sa finals ang powerhouse San Beda Red Lions.

Pero kahit na tabla-tabla na at puwedeng “quits” na nga, hindi naman iiwan ni Agustin sa ere ang Stags.

Oo’t pangarap ng kahit sinong amateur coach na umakyat at maging head coach sa PBA. Para kay Agustin, darating din iyan kung talagang ukol sa kanya. Hindi naman siya nagmamadali.

At least, nakakuha ng karagdagang experience si Agustin sa huling dalawang games ng Beermen. At ang experience na ito ay magagamit niya sa layuning maigiya ang Stags sa ikalawang sunod na NCAA title.

AGUSTIN

ANG SAN SEBASTIAN COLLEGE

BEERMEN

COACH

COCA-COLA TIGERS

FIESTA CONFERENCE

SAN

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with