MANILA, Philippines - Hindi pinaporma ni Charlie Labrador ang mga batters ng Taguig upang mapangunahan ang Manila sa 7-1 panalo sa pagtatapos ng Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VI regular season kahapon sa Felino Marcelino Memorial Stadium sa Taguig City.
Nagbigay lamang ng apat na hits si Labrador bukod sa limang strikes sa pitong innings kung saan ay hindi nakaiskor ang Patriots para katampukan ang pagdodomina.
May 11 hits naman ang Sharks batters sa tatlong Patriots pitchers at sina Bambol Servo, Roel Empacis, Francis Candela at Christian Galedo ay bumanat ng standing double.
Sa unang laro, tinalo naman ng Cebu ang Batangas, 11-8, para kunin ang No. 2 seat sa Final Four.