^

PSN Palaro

Patrombon, Krueger nadiskaril

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Bigo pa rin si Jeson Patrombon sa hangaring titulo sa larangan ng tennis sa taong ito.

 Hindi umubra sa pagkakataong ito ang naunang magandang tambalan nina Patrombon at Amerikanong si Mitchell Krueger nang matalo sila sa second seeds nina Dominic Thiem ng Aus­tria at Matthias Wunner ng Germany, 6-3, 6-1, sa finals ng boy’s doubles ng 11th Gerry Weber Junior Open sa Halle, Germany.

 Ito ang unang pagkaka­taon na nakapasok sa finals sa doubles si Patrombon pero ikalawang pagtatangka na niya na manalo ng titulo.

 Ang una ay nangyari sa Japan Open nitong Abril pero minalas siya nang yumukod siya kay Rikuto Furuta ng host country.

 Hindi man pinalad ay malaki naman ang maitutu­long ng karanasang makalaro sa finals sa grass court sa kanyang hangaring mapabuti pa ang ipinakikita bago sumalang sa Wimbledon mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 4.

Matapos ang torneo, si Patrombon kasama ang kanyang coach na si Manny Tecson ay tumulak na patu­ngong London para sumali naman sa AEGON Junior International-Roehampton na gagawin mula Hunyo 20 hangang 25.

vuukle comment

DOMINIC THIEM

GERRY WEBER JUNIOR OPEN

HUNYO

JAPAN OPEN

JESON PATROMBON

JUNIOR INTERNATIONAL-ROEHAMPTON

MANNY TECSON

MATTHIAS WUNNER

MITCHELL KRUEGER

PATROMBON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with