^

PSN Palaro

Patrombon, Krueger hahataw sa double finals ng Gerry Weber Junior Open

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Namumuro si Jeson Patrombon sa unang mala­king titulo sa taon matapos umabante sila ni US Mitchell Krueger sa finals sa doubles ng 11th Gerry Weber Junior Open sa Halle Germany.

Dalawang laro ang hinarap ng tambalan at pareho silang nangibabaw kina Daniel Masur at Jannis Kahlke ng Germany sa quarterfinals, 6-4, 7-6 (5) at kina Dane Webb at Nick Chappel ng US, 7-6 (14-12), 6-2, sa semifinals.

Makakabangga nila sa finals sina second seeds Dominic Thiem ng Austria at Matthias Wunner ng Germany na humugot ng mga panalo kina Mate Delic at Filip Veger ng Croatia, 7-5, 6-3, at Julian Lenz at Ralf Steinbach ng Germany, 4-6, 6-3, (11-9).

Ito ang ikalawang pagkakataon sa taong ito na na­­karating sa finals si Patrombon sa malaking torneo pero unang titulo ang kanyang hanap kung manalo sila ni Krueger.

Ang unang pagkakataon na nakapasok sa Finals si Patrombon ay sa singles ng Japan Open nitong Abril at natalo siya sa straight sets kay Rikuto Furuta.

Anuman ang mangyari sa finals, tiyak na iba na ang kumpiyansa ni Patrombon sa paglahok naman niya sa AEGON Junior International na gagawin sa Great Britain mula Hunyo 20 hanggang 25.

DANE WEBB

DANIEL MASUR

DOMINIC THIEM

FILIP VEGER

GERRY WEBER JUNIOR OPEN

GREAT BRITAIN

HALLE GERMANY

JANNIS KAHLKE

JAPAN OPEN

JESON PATROMBON

PATROMBON

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with