MP Warriors ni Pacquiao nanalo sa TOP
MANILA, Philippines - Apat na puntos lamang ang naiskor ng pambansang kamao Manny Pacquiao pero ang mainit na suporta na ibinigay ng mga kababayan ay sapat naman upang mapag-init ang ibang kakampi para kunin ng MP Pacman Gensan Warriors ang 73-69 panalo sa Treston Laguna sa pagsisimula ng 2nd leg ng Tournament of the Philippines (TOP) nitong Miyerkules sa Lagao gym sa General Santos City.
Ibinagsak ni John Gonzaga ang 10 sa kabuuang 20 puntos sa laro para tuluyan ang Warriors na ma-outscore ang Stallions sa huling yugto, 21-14, upang maibulsa ang unang panalo sa apat na koponang torneo.
Mahigpitan ang labanan at ang Stallions na pumangatlo sa 1st leg noong nakaraang linggo, ay nakalamang pa ng tatlo, 55-52.
Si Pacquiao ang natatanging boksingero na may pitong world titles, ay isinuot ang uniporme ng pang-basketball at gumawa lamang siya ng apat na puntos sa 2-of-12 shooting sa loob ng 14 na minuto sa basketball court.
Nakasalo naman sa liderato ang Cobra Energy Drink na nalusutan ang Misamis Oriental Meteors, 70-69, sa unang laro.
Gensan 73 - Gonzaga 20, Nicdao 12, Mendoza 12, Yambao 8, Medalla 6, Sagad 4, Daja 4, Pacquiao 4, Farochilen 3, Callo 0, Parreno 0, Coronado 0.
Treston Laguna 69 - Ricafuerte 17, Bolocon 11, Mercado 11, Glorioso 8, Losentes 8, Mangahas 5, Sanz 4, Musni 3, Capati 2, Grijaldo 0, Angeles 0.
Quarterscores: 17-17; 36-35; 52-55; 73-69.
- Latest
- Trending