CHENNAI, India--Tinalo ni dating Palarong Pambansa gold medalist Haridas Pascua si No. 54 seed J. Yohan ng Vietnam sa first round ng 2010 Asian Junior boys and girls chess championships dito sa Vijay Park and Business Hotel sa Arrumbakkan.
Sa kabila ng paglalaro hawak ang itim na piyesa, binigo pa rin ng 17th-seeded at may ELO rating na 2358 si Yohan sa naturang 74-player tournament.
Umagaw ng pansin ang 17-anyos na tubong Mangatarem, Pangasinan nang magsulong ng silver medal sa 2007 World Under-16 Olympiad sa Singapore.
Susunod na makakalaban ni Pascua sa second round si No. 55 seed Vahid Faramarzi na isa sa tatlong kumakampanya para sa Iran.
Hindi naman naging masuwerte si No. 15 seed Christy Lamiel Bernales matapos matalo kay No. 41 WFM Hisham Nur Najha of Malaysia.
Makakatapat ni Bernales, si No. 43 R. Abirami ng Indian sa second round.