^

PSN Palaro

Boksingerong ilalahok sa MVP Cup, sasalaing mabuti

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Isasalang sa masusing proseso ang mga boksi­nge­rong ilalaban sa 1st MVP International Friendship Cup na gagawin mula Hulyo 14 hanggang 19 sa PICC grounds.

Ayon kay Amateur B­oxing Association of the Philippines (ABAP) exe­cu­tive director Ed Picson, kasalukuyang nagsasanay ang mga national pool sa Baguio upang madetermina kung sino ang nasa magandang kondisyon pa­ra maisalang sa dalawang koponan sa kalalakihan at isang koponan sa kaba­baihan na lalahok sa torneong katatampukan ng pitong bansa.

Maliban sa host country, kasali rin sa anim na araw na torneo ang China, Thailand, Chinese Taipei, Sri Lanka, Macau at Hong Kong.

“Sa ngayon ay nagsa­sanay na ang ating mga boksingero at sumailalim na sila sa una sa tatlong box­off nitong Sabado sa Baguio para makita ang ka­nilang kondisyon. Sa Mi­yerkules at sa Sabado ay may boxoff uli at matapos nito ay maaaring mapili na kung sino ang posibleng ilaban natin sa MVP Cup,” wika ni Picson.

Ang Team A sa kalalakihan ang pambato ng bansa para sa mithiing medalyang ginto at mangunguna sa ko­ponan ang mga napili sa Elite team na sina Charly Suarez, Rey Saludar, Victorio Saludar at ang youth boxer na si Mark Anthony Barriga.

Ang koponan ay hawak ni dating World Championships silver medalist at Olympian na si Roe Velas­co at kasama rin bilang ika­limang kasapi ay si Annie Albania na mamumuno sa kababaihan.

“Ginagawa ang lahat para matiyak na palaban ang mga ilalaban natin. Ma­hirap magsalita ngayon dahil hindi natin alam kung ang Team A o Team B ng ibang bansa ang ilalahok nila pero hindi tayo nagkukumpiyansa at pinagha­handaan ito nang husto,” ani pa ni Picson.

Aabot sa 12 weight classes ang paglalabanan sa kabuuan ng torneo at pito rito ay sa kalalakihan sa larangan ng light flyweight (48), flyweight (51), bantamweight (54), featherweight (57), lightweight (60), lightwelter (64) at welterweight (69).

Ang kababaihan naman ay paglalabanan sa limang weight class sa 46, 48, 51, 57 at 57 kilograms.

Unang international tour­nament ito sa bagong pa­munuan ng ABAP sa pangunguna ng pangulong si Ricky Vargas at chairman Manuel V. Pangilinan.

Ito rin ang kauna-una­hang kompetisyong internasyonal sa bansa dahil ang huling torneo na itinaguyod ng ABAP ay noon pang 1995 gamit ang Ma­yors Cup ni dating ABAP president Mel Lopez.

vuukle comment

AMATEUR B

ANG TEAM A

ANNIE ALBANIA

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CHARLY SUAREZ

CHINESE TAIPEI

ED PICSON

HONG KONG

INTERNATIONAL FRIENDSHIP CUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with