MANILA, Philippines - Tinalo ng M. Lhuillier KP-Cebu ang karibal na Ascof Lagundi, 83-70, para angkinin ang first leg ng Tournament of the Philippines, ang joint venture ng Philippine Basketball League (PBL) at Liga Pilipinas, kahapon sa Emilio Aguinaldo College gym.
Kung ibibilang ang kanilang 21-game winning run sa pagwalis sa nakaraang Liga Conference III noong 2009, itinala ng Niños ang kanilang ratsada sa 25.
Ang second leg ay idaraos sa General Santos City kung saan maglalaro ang bagong Sarangani Congressman na si Manny Pacquiao para sa kanyang MP Warriors.
Kinuha naman ng Treston Laguna ang third-place trophy nang igupo ang Ani-FCA sa overtime, 94-87.
M. Lhuillier-Cebu 83 - Basco 25, Dacia 14, Padilla 12, Ybanez 7, Santos 7, Magsumbol 7, Mepana 6, Nailon 2, Saladaga 2, Ababon 1.
Ascof Lagundi 70 - Gamalinda 19, Co 13, Aguilar 10, Labagala 10, Uyloan 5, Smith 3, Asoro 3, Taylor 3, Canlas 2, Manuel 2, Leynes 0.
Quarterscores: 22-10; 44-27; 53-47; 83-70.