^

PSN Palaro

Manila hahataw ng 3rd win vs Pampanga

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Lumapit sa hangaring pu­westo sa susunod na yug­to ang pakay ngayon ng mainit na Manila sa pagpapatuloy ng Dunkin’ Donut Baseball Philippines Series VI sa Alabang Country Club sa Muntinlupa City.

Kalaban ng Sharks ang bagitong Pampanga sa unang laro ganap na alas-9 ng umaga at patok na mailista ang ikatlong su­nod na panalo sa anim na koponang liga na inor­ga­nisa ng Community Sports Inc.

Naunang pinatumba ng koponang pumangalawa sa Series V ang nagdedepensang Batangas, 5-4, at ang Cebu, 8-7, upang ma­ipakita na sila ang team to beat sa torneo.

Hindi magagamit ng Sharks ang serbisyo ng mga pambatong pitchers na sina Charlie Labrador at Jon Jon Robles dahil nal­ampasan nila ang 50-pitches limit sa isang laro nang nakaharap ang Dolphins.

Ngunit matibay pa rin ang koponan dahil naririyan pa sina Mick Natividad at MJ Gante habang ang mga batters naman nila ay solido at inaasahang ma­kakapagdomina sa pitchers ng Sand Kings na natalo sa Alabang (5-0) at Taguig (3-2).

 Ang Alabang ay makikipagtuos naman sa Taguig sa ikalawang laro dakong ala-1:30 at kapwa mag-uunahan ang dalawang koponan na mailista ang ikalawang sunod na panalo.

 Mas angat sa puwesto ang Tigers sa 1-1 karta pero papasok sila sa laro mu­la sa 1-8 pagkakadurog sa kamay ng Dolphins.

ALABANG COUNTRY CLUB

ANG ALABANG

CHARLIE LABRADOR

COMMUNITY SPORTS INC

DONUT BASEBALL PHILIPPINES SERIES

JON JON ROBLES

MICK NATIVIDAD

MUNTINLUPA CITY

SAND KINGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with