Express naisahan ng Aces
MANILA, Philippines - Kung may pagkakamali mang nagawa si coach Yeng Guiao sa fourth quarter, ito ay ang iupo ang mainit na si Ren-Ren Ritualo, Jr.
Sinamantala ang kawalan ng suporta kay import Leroy Hickerson, sumandig ang Alaska kina Cyrus Baguio, LA Tenorio at reinforcement Diamon Simpson upang talunin ang Air21, 98-94, sa second round ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Humugot si Baguio ng 14 sa kanyang 22 puntos sa final canto para sa Aces kung saan naman ibinangko ni Guiao si Ritualo matapos magsalpak ng isang jumper, isang bihirang four-point play kay Baguio at three-point shot sa panig ng Express.
“Siguro kailangan pa naming ma-improve ‘yung depensa namin kasi doon kasi mahina eh,” ani Baguio, tubong Iligan City, na nagposte ng 10-of-17 fieldgoals sa hangad ng Uytengzu franchise na makasambot ng isang outright quarterfinals seat.
Iniangat ng Alaska ang kanilang baraha sa 9-6 katabla ang Barangay Ginebra sa ilalim Talk ‘N Text (13-2), nagdedepensang San Miguel (11-3) at Derby Ace (9-5) kasunod ang Rain or Shine (7-6), Coca-Cola (5-9), Sta. Lucia (4-10), Air21 (3-12) at Barako Coffee (2-13).
Ang tres ni Ritualo ang nagbigay sa Express ng 80-75 abante sa 7:20 ng fourth quarter bago ang 14-2 atake nina Baguio, Tenorio at Simpson para sa 89-82 bentahe ng Aces sa 3:13 nito.
Isang 3-point play ni Hickerson, kumabig ng 46 puntos at 14 rebounds, si Simpson ang naglapit sa Air21 sa 89-95 sa 1:20 ng labanan kasunod ang tres ni Tenorio para muling ilayo ang Alaska sa 98-89 sa huling 1:01 para selyuhan ang kanilang panalo.
Alaska 98 - Simpson 24, Baguio 22, Dela Cruz 14, Tenorio 12, De Vance 11, Borboran 8, Thoss 4, Cariaso 3, Eman 0, Hugnatan 0.
Air 21 94 - Hickerson 46, Ritualo 14, Belga 12, Sharma 6, Alvarez 5, Cortez 4, Buenafe 3, Rodriguez 2, Arboleda 2, Matias 0, Kramer 0, Gonzales 0, Billones 0.
Quarterscores: 26-24, 48-41, 67-64, 98-94.
- Latest
- Trending