^

PSN Palaro

Patrombon, Alcantara wagi, umusad sa susunod na round

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pinangatawanan nina Jeson Patrombon at Francis Casey Alcantara ang kanilang mas magandang seeding sa nakala­ban upang malampasan ang first round sa Offenbach Tennis Champion­ship sa Germany.

Binuksan ang aksyon sa Grade I event ng ITF kahapon at hiniya ng 11th seed na si Patrombon si German wild card Jannis Koeke, 6-0, 6-2, habang si Alcantara na 13th seed ay nangibabaw naman kay Sebastian Stiefelmeyer ng Austria, 6-4, 6-3.

Dala ng mga tagumpay na ito ay umabante ang pambato ng bansa sa round of 32 at makakalaban ni Patrombon, number 39th sa mundo si Patrick Ofner ng Austria habang si Tomas Propop ng Czech Republic ang kalaban ni Alcantara na ranked 52nd sa mundo.

Tinalo ni Ofner si Jannis Kahlke ng German, 6-3, 6-0, habang isang 6-0, 6-2, tagumpay naman ang kinuha ni Propop kay German qualifier Daniel Leitner.

Nakaabante rin ang dalawang Pinoy sa doubles gamit ang magkaibang kaparehas at si Patrombon ay tumambal kay Cahit Kapukiran ng Turkey at ang unseeded pair ay humirit ng 7-5, 6-3, panalo kina Philip Gehrmann at Kevin Kovacs ng Germany.

Si Hugo Dellien ng Bolivia naman ang kapareha ni Alcantara at ang fifth seed sa doubles ay humirit ng 7-5, 6-3, panalo kina Lynn Max Kempen ng Germany at Filip Veger ng Croatia.

Ang dalawang tagumpay sa singles at doubles ay tiyak na ha­hakot pa ng karagdagang puntos upang maipagpatuloy ang pag­nanais nina Patrombon at Alcantara na mapataas ang kasalu­ku­yang ITF rankings.

CAHIT KAPUKIRAN

CZECH REPUBLIC

DANIEL LEITNER

FILIP VEGER

FRANCIS CASEY ALCANTARA

GRADE I

JANNIS KAHLKE

JANNIS KOEKE

JESON PATROMBON

PATROMBON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with