Kings nagpalakas para sa outright quarterfinals seat

MANILA, Philippines - Mula sa isang 12-point deficit sa first period, bumangon ang mga Gin Kings sa likod nina Mark Caguioa at import Denham Brown para palakasin ang kanilang tsansa sa isang outright quarterfinals slot.

Humugot si Caguioa ng 12 sa kanyang 19 puntos sa second quarter, habang tumapos naman si Brown na may 26 marka, 16 rebounds, 3 assists at 1 steal para pangunahan ang 107-86 panalo ng Barangay Ginebra sa bumubulusok na Barako Coffee sa se­cond round ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference ka­hapon sa Araneta Coliseum.

Itinaas ng Gin Kings ang kanilang rekord sa 9-6 sa ilalim ng Talk ‘N Text Tropang Texters (12-2), San Miguel Beermen (11-3) at Derby Ace Llamados (9-5) kasunod ang Alaska Aces (8-5), Rain or Shine Elasto Painters (7-6), Coca-Cola Tigers (5-9), Sta. Lucia Realtors (4-10), Air21 Express (3-11) at Coffee Masters (2-13).

Pinigil ng Ginebra ang kanilang two-game losing skid, habang nahulog naman sa kanilang pang pitong sunod na kamalasan ang Barako Coffee.

“Sabi ko we have to play 48 minutes kasi ‘yong first 12 minutes namin ang sama eh,” ani coach Jong Uichico sa 11-23 pagkakaiwan sa Gin Kings ng Coffee Masters sa dulo ng first period bago kinuha ang 57-44 lamang sa halftime buhat kina Caguioa at Brown. “Then in the second quarter medyo nag-pick up and in the third and in the fourth.”

Pinalaki ng Ginebra ang kanilang bentahe sa 21 puntos, 86-65, sa 10:07 ng fourth quarter mula sa isang three-point play ni Ronald Tubid kay Rob Wainwight patungo sa pagtatala ng pinakamalaki nilang abante sa 27 marka, 103-76, kontra Barako Coffee sa 3:30 nito galing sa 3-point shot ni Caguioa.

Kung mawawalis ng Gin Kings ang kanilang hu­ling tatlong laro kontra Tigers, Express at Llamados ay magkakaroon sila ng pag-asa para sa isa sa dalawang outright semifinals ticket.

Nagdagdag si Rico Villanueva ng 12 puntos, at 4 rebounds para sa Ginebra kasunod ang 11 marka ni Sunday Salvacion at tig-10 nina Willie Miller at Rudy Hatfield.

Ginebra 107 - Brown 26, Caguioa 19, Villanueva 12, Salvacion 11, Miller 10, Hatfield 10, Tubid 7, Intal 4, Cruz 3, De Ocampo 3, Wilson 2, Ferriols 0, Helterbrand 0.

Barako Coffee 86 - Monroe 17, Juntilla 13, Hubalde 13, Dimaunahan 10, Reyes 9, Alonzo 6, Najorda 6,Isip 4, Vergara 3, Wainwright 3, Faundo 2, Duncil 0.

Quarterscores: 22-29, 57-44, 79-61, 107-86.

Show comments