^

PSN Palaro

Knockout win target ni Mayol vs Nino sa kanilang paghaharap sa Hunyo 19

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Isang knockout na panalo ang nais na mailista ni Rodel Ma­yol sa muling pakikipagtuos niya kay Omar Nino sa Hunyo 19 sa Plaza de Toros sa Quere­taro, Mexico.

Hindi makalimutan ni Mayol ang nangyari sa unang pagtutuos ng dalawang boksingero no­ong Pebrero 27 kaya’t sinisipat niya ang kumbinsidong panalo upang hindi papormahin ang katunggali na masusuportahan uli ng kanyang mga kababayan.

“If there is a chance, I will go for a knockout. It’s have to win by decision,” wika ni Mayol.

Itataya sa ikalawang pagka­kataon ni Mayol ang hawak na WBC light flyweight title laban kay Nino matapos mauwi sa tab­la ang unang pagkikita sa Chia­pas, Mexico.

Tinamaan ng low blow si Ma­yol ni Nino dahilan upang bu­mulagta ito at hindi na naka­tayo. Pero dahil illegal punch ang ginamit, idineklarang tabla ang laban at ipinag-utos ang re­match na ito.

Tiniyak ni Mayol na hindi na mauulit ang nangyari sa re­match dahil alam na niya ang mga ikinikilos ni Nino na dating kampeon ng dibisyon nang talunin si Fil-Am Brian Viloria.

Nasa magandang kondisyon na rin siya dala ng masinsinang pagsasanay kaya’t mataas ang kanyang kumpiyansa na ha­harap sa laban.

“Training camp is great and I’m in condition. I know his style and I’m concentrating on my de­fense and speed. I have trai­ned hard and I should come out the winner this time,” wika pa ni Mayol.

Ang 28-anyos na tubong Man­daue City, Cebu pero na­ninirahan na sa Los Angeles, Ca­lifornia ay may hawak na ring record na 26 panalo sa 30 laban kasama ang 20 KO habang taglay naman ng 34-anyos na si Nino ang ring record na 28 panalo sa 34 laban at 11 KO.    

CEBU

FIL-AM BRIAN VILORIA

HUNYO

LOS ANGELES

MAYOL

NINO

OMAR NINO

RODEL MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with