Yap may pinatunayan, napiling PBAPC PoW

MANILA, Philippines - Muling pinatunayan ni Ja­mes Yap na karapat-dapat la­mang siya sa taguring “Big Ga­me James”.

Ang 2006 PBA Most Valuable Player awardee ang na­ngu­na sa dalawang sunod na pa­nalo ng B-Meg Derby Ace sa second round ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference upang tanghaling Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa linggo ng Mayo 31 hanggang Hunyo 6.

 Ito ang ikalawang pagkaka­taon na binigyan ng naturang pagkilala ang kabayanihan ni Yap matapos noong Mayo 3 hanggang 9.

“He was incredible in our last two wins,” ani Llamados’ head coach Ryan Gregorio sa dating Red Warrior ng University of the East. “He carried us on his shoulders with his magnificent display of offensive arsenal.”

Sa 83-82 pagtakas ng Derby Ace sa nagdedepensang San Miguel Beer noong Linggo, umis­kor si Yap ng 23 puntos, tampok rito ang isang game-win­ning shot sa natitirang 6.7 segundo.

Tumipa naman si Yap ng team-high 21 points sa 73-66 paggupo ng Llamados sa Sta. Lucia Realtors noong nakaraang Miyerkules upang makabangon sa kanilang 97-99 pagyukod sa Alaska Aces noong Mayo 28.

“I am glad that he has picked up his scoring and he has been bailing us out of trouble with his big games and trademark big shots to secure our victories in this crucial part of the elims,” ani Gregorio.

Umangat ang baraha ng Derby Ace sa 9-5 sa ilalim ng Talk ‘N Text (12-2), sumasakay sa isang 11-game winning streak, at San Miguel (11-3). 

Show comments