^

PSN Palaro

Arum hindi naniniwala kay Mayweather

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kilala ni Bob Arum ng Top Rank Promotions si Floyd Mayweather, Jr.

Nagpahayag ang 33-anyos na si Mayweather kamakalawa na isang taon muna siyang hindi lalaban na ang ibig sabihin ay muling hindi mapaplantsa ang kanilang megafight ni Mannny Pacquiao.

Sinabi naman ng 78-anyos na si Arum, dating hinawakan si “Pretty Boy” sa kanyang Top Rank Promotions, na gumagawa lamang ng eksena si Mayweather.

 “You never know with Floyd,” ani Arum. “Sometimes he just talks for the sake of talking. If Floyd wants to take a year or two off, we should be seeing a formal press release soon.”

Ipinarating ni Mayweather ang kanyang ‘semi-retirement’ sa pamamagitan ng isang video clip.

 Sinabi ni Mayweather na gusto muna niyang asikasuhin ang kanyang boxing gym.

“As I said, I want to take a year off from boxing,” sabi ng six-time world champoion. “I want to devote my time to my boxing gym.”

Dahilan sa pagtutol ni Pacquiao na dumaan sila sa isang random blood testing isang araw bago ang kan­i­lang laban ni Mayweather, nabasura ang negosasyon sa pagitan ng Top Rank at Golden Boy Promotions.

Matapos igupo si Ricky Hatton noong Disyembre 8 ng 2008, nagretiro si Mayweather na naging daan naman sa pagsikat ng 31-anyos na si Pacquiao patungo sa pagkilala sa kanya bilang bagong ‘pound-for-pound king’.

Kasalukuyang dala ni Pacquiao ang 51-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs.

Dinadala naman ni Mayweather ang perpektong 41-0-0 (25 KOs) slate.

Sa kanyang pagbabalik, tinalo ni Mayweather sina Mexican Juan Manuel Marquez at Sugar Shane Mosley.

vuukle comment

AS I

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER

GOLDEN BOY PROMOTIONS

IF FLOYD

MANNNY PACQUIAO

MAYWEATHER

MEXICAN JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

TOP RANK PROMOTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with