Pasig tangka ang Coke Hoopla finals

MANILA, Philippines - Sasagupain ng Pasig ang Ca­loocan ngayong alas-5 ng hapon para sa twice-to-beat edge sa finals ng 2010 Coca-Cola Hoopla matapos talunin ang Makati, 85-84, kamakalawa ng gabi sa Final Four sa Muntinlupa Sports Center.

Binigo naman ng Muntinlupa ang Caloocan, 76-69, para maki­salo sa ikalawang silya mula sa magkatulad nilang 3-2 cards sa ilalim ng Pasig (4-1).

Kailangan lamang ng Pa­si­gueños, ang East division champions, na talunin ang Caloocan para makuha ang outright final seat sa nasabing cagefest na inor­ganisa ng Coca-Cola para palakasin ang community-based basketball sa national level.

Ang tagumpay naman ng Caloocan at Muntinlupa, lalaban sa Makati, ang magreresulta sa isang three-way tie na ga­gamitan ng quotient system na dedetermina sa puwestuhan.

“We will know the No.1 team after Friday’s game,” wika ni tournament organizer Joe Lipa.

Nagbida si Martin Fajardo, umiskor ng 10 points kasama ang magkakasunod na baskets para sa 85-81 lamang ng Pasig sa huling minuto ng laro bago inilapit ni ,Arman Ulit ang Makati sa 84-85.

Pasig 85 – Nudo 21, Martinez 14, Fajardo 10, Pinili 10, Labis 9, BatoBato 6, Pascual 3, Clarianes 3, Baylen 2, Platino 2, Regaspi 2.

Makati 84 – De Villiar 29, Ulit 10, Delviar 9, De Leon 8, Morris 6, Valiente 5, San juan 4, Seron 4, Mabalot 4, Taon 3, Redoble 2.

Quarterscores: 24-18; 45-48; 68-67; 85-84

Muntinlupa 76 – Racal 23, Tan 18, Buenaflor 11, Dagohoy 11, Bernardo 6, Minoc 4, Estipona 3.

Caloocan 69 – Mendoza 24, Bantayan 15, Gonzales 13, Magampo 6, Ortega 4, Mendoza 3, Galinato 3, Sumanpong 1.

Quarterscores: 18-15; 29-31; 54-50; 76-69. 

Show comments